"Are you okay, sweetie?" Daddy asked worriedly.Naabutan ako ni Daddy at gising pa dahil gumagawa ako ng project ko. Alas onse na ng gabi pero hindi ko makayanan na matulog dahil hindi mawala sa isipan ko na may kailangan akong tapusin.
"Ayos naman po, Daddy. Naalimpungatan ka po?"
He nodded. "Yes, sweetie. Hindi ka pa natutulog. Namunutla ka na."
Ngumuso ako. "Ayos lang po talaga ako. Matutulog na din po mamaya. May mga tinatapos lang po."
He sighed and kissed the side of my head.
"Pagtitimpla muna kitang gatas. Huwag kang masyadong magpupuyat. Kailan ba ang pasahan niyan?"
"Next week po." Natigilan si Daddy.
"Next week pa. Miyerkules pa lamang ngayon, anak. May ilang araw pa para puwede mong gawin iyan."
Natigilan ako ng ma realize ang sinabi niya. May ilang araw pa nga, pero sa ginagawa ko parang nagrurush ako. Hindi ko din alam kung bakit. Parang gusto ko kasing may ginagawa ako.
"Magpahinga ka na, anak. May mga araw pa para gawin mo iyan. Putla ka na," nag-aalalang sabi pa ni Daddy.
Ngumiti ako ng maliit. "Maya-maya po, Daddy. Hindi din po kasi ako makatulog."
"Hay nako ang prinsesa namin. Masyadong pinapagod ang sarili. Pagtitimpla muna kita." Tumango ako.
Nang mawala na si Daddy sa mga paningin ko. Nagbaba ako ng tingin sa maliit na mesa sa ibabaw ko. Napakagat labi ako habang naiisip ang mga pinag-gagawa ko lately.
Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Hindi ako makatulog ng maayos sa gabi. May times na wala na akong tulog. Nagsusuka din ako sa umaga dahil wala siguro akong kinain din dahil tinatamad ako kumain. Hindi ko din gusto ang amoy ng pagkain sa harapan ko minsan. Madalas akong mahilo at parang may gustong gawin na iba.
Nawewerduhan na ako sa sarili ko.
"Drink this, sweetie. Matulog ka pagkatapos."
Agad akong napatayo ng maamoy ang gatas. Napatakbo ako papunta sa may banyo at agad doong dumuwal. Sumunod si Daddy.
"Anong nangyayari, anak? Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Daddy.
Napabuntong hininga ako at nagmumog. Halos maiyak na.
"A-ayos lang po. Hindi ko lang nagustuhan ang amoy," I said honestly.
Sinuri ako ni Daddy sa salamin. Kumunot ang kanyanh noo habang pinagmamasdan ako.
"Sigurado ka bang ayos ka lang, anak?"
"Opo, Daddy. Don't worry po. Sorry din po kung nag-aalala ka. Matutulog na po ako," sabi ko.
"Goodnight, sweetie." Hinalikan niya ako sa noo.
"Goodnight din po," sagot ko at hinalikan siya sa pisnge.
Napabuntong hininga ako pagpasok sa silid ko. Doon lamang ako nakatulog ng maayos. Hapon na ako nagising. Hindi din nila ako inistorbo.
"Good afternoon people's!" masiglang pagbati ko sa kanilang lahat. Napaigtad ang iba sa kanila sa gulat habang ang iba ay napatingin sa akin.
"Nakakagulat ka naman," sabi ni Jaja.
Ngumiti ako. "Sorry naman."
Napatingin ako kay Ryle na bahagyang nakabuka ang mga hita habang seryoso ang mukha at nakasandal sa sofa. Bahagyang umawang ang labi ko at namangha. May kakaibang naramdaman sa katawan habang tinitingnan siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/347446255-288-k953677.jpg)
YOU ARE READING
The Story of Us
RomansaSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...