"Felianna!" sigaw ni mommy.Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Doble ang sakit na nararamdaman ko.
"Mommy, please. Don't do this to me. Ayokong lumaki ang anak ko na walang ama sa tabi niya..." I almost begged on her.
Masamang tingin lang ang iginawad niya sa akin.
"Una pa lang ay hindi ko na gusto ang lalaking 'yon sa 'yo! And what did you do?! Nagpabuntis ka sa isang lalaking wala kang kasiguraduhan kung magiging maayos ba ang buhay mo sa kanya!" she shouted.
Ramdam ko ang matinding galit sa boses niya. Naiintindihan ko naman kung ayaw niya kay Ryle... pero bakit gano'n na lang niya husgahan ang lalaking mahal ko?
Ni hindi nga niya kilala ng buo si Ryle. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tunay na estado sa buhay nito.
"Mahal na mahal ko siya mommy... at wala akong pakialam kung ano pa ang estado ng buhay niya... I love him so much... Please... Hayaan ninyo na ako..." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko. Ramdam ko ang sakit sa aking pisnge pero hindi ako gumanti. Hinayaan ko lang siya.
She's still my mother and I respect her... pero ang sabihin niyang itago ko kay Ryle ang pagbubuntis ko at magpakasal ako sa lalaking gusto niya sa akin... 'yon ang hindi ko kayang gawin.
"Walang hiya ka! Wala ka ng respeto sa akin! Sa amin ng daddy mo! Anong pagkukulang namin sa 'yo, huh?! Binigay namin ang lahat ng gusto mo! Tell me, Felianna! Anong pagkukulang namin sa 'yo?"
Umiling ako... Gusto kong sabihin na wala silang pagkukulang nung una, pero nung nakilala nila si Ryle ay doon na unti-unting nagbago. Hindi ko na sila naramdaman.
"Niloloko ka lang ng lalaking 'yan. Hindi naman kita sasabihan na itago mo sa kanya ang pagbubuntis mo kung wala lang, Felianna. Makinig ka naman sa akin ngayon. Makinig ka naman kay mommy, anak," she said.
Kalmado na siya. Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Nanginginig ang aking labi dahil sa sobrang pag-iyak.
"Kilala ko siya... Hindi niya magagawang lokohin ako. H'wag mo naman siyang sirain ang lalaking mahal ko sa akin, mom... para lang lumayo ako sa kanya..." putol-putol na saad ko.
Umiling siya at may sinenyasan. Lumapit sa kanya ang isang maid namin at may binigay.
Itinapon niya sa lapag ang 'yon. Nagbaba ako ng tingin. Gano'n na lang ang pagsinghap ko ng makitang larawan 'yon ni Ryle... may kasamang babae.
"Ayokong saktan ka pa lalo dahil buntis ka, anak. Pero kung ito lang ang tanging para maniwala ka ay wala na akong choice kundi ang ipakita sa 'yo lahat ng 'yan. Niloloko ka lang niya," mahabang aniya.
Napailing ako. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung totoo ba ito o gawa-gawa lang.
Masaya si Ryle habang buhat ang isang bata. May isang babaeng hindi ko kilala ang kasama niya... at buntis pa ito.
"Nalaman kong may anak siya sa ibang babae. Pinaimbistigahan ko ang lalaking minamahal mo. Now, Felianna. Mag-isip ka ng mabuti. Magiging tanga ka pa ba kung nasa harapan mo na ang ebidensya ng panloloko sa 'yo?" she asked.
Umiling ako habang nanginginig ang labi.
"Bakit... bakit mo ako sinasaktan ng ganito, mom? Bakit mo ako pinapahirapan? Bakit ayaw mo akong maging masaya? I just want to be happy... Gusto ko lang din na mahalin ako dahil hindi ko naramdaman kainlanman na anak ninyo at mahal ninyo..." Panimula ko.
Natigilan siya. Hindi ko na kayang itago pa. Ansakit na ng puso ko kaya isahang sakit na lang.
I can hide my pain but I can hide my tears.
Akala nila ay okay lang ako sa tuwing nagtatanong ang iba kung ayos lang ba ako.
Akala nila hindi ako nasasaktan dahil matapang na Felianna ang pinapakita ko sa kanila... but deep inside, sobrang durog na durog ako.
Akala nila masaya ako sa pamilya ko... pero ang totoo ay mismong pamilya ki ang dumudurog sa akin.
Sa sobrang laki ng respeto ko sa kanila ay nakalimutan ko ng respetuhin ang sarili ko dahil masyado kong binababa pagdating sa kanila.
"Si Ryle ang nagparamdam sa akin ng lahat... Minahal niya ako, naramdaman ko 'yon. Lahat ng inggit ko sa iba ay siya ang nagpawala dahil ayaw niyang nararamdaman ko na mainggit ako... pero bakit kailangan ninyong ilayo sa akin ang kaligayahan na nararapat para sa akin?" puno ng sakit na pagkakasabi ko.
Nanatili siyang walang imik.
"What's happening here?" tanong no daddy na kararating lang.
"Hindi ko ba deserve sumaya, mom? Hindi ko ba deserve? Kasi ang totoo... hindi ako naging masaya sa pamilyang ito..." pag-amin ko.
"Felianna..." tawag ni daddy.
Ngumiti ako ng mapait. Ang mukha ni daddy ay nag-a-alala habang nakatangin sa akin.
"Ano na naman ang ginawa mo?" tanong ni daddy kay mommy.
"Gusto ko lang naman maging masaya, e. Hindi ko kasi naramdaman sa pamilyang ito ang kasiyahan. Tanging kay Ryle ko naramdaman 'yon..." I added.
"Calm down, baby," saad ni daddy.
Lumapit siya sa akin. Hinayaan kong hawiin niya ang hibla ng aking buhok na tumatakip sa aking mukha.
"Why, dad? Bakit kayo mismo ang dumudurog sa akin? Bakit ganito na lang si mommy sa akin? Pagod na ako sa pamilyang ito, dad. Pinapakita ko lang na maayos ako, pero ang totoo ay durog na durog na ako dahil sainyo..."
"Shh... tahan na. Nasasaktan ang daddy. Tahan na..."
Mas lalong tumulo ang mga luha ko ng tumulo ang isang butil ng luha ni daddy.
"Gusyo ko lang maging masaya, dad. Sana naman binigay ninyo na sa akin... Sa kanya lang ako masaya, dad. Kay Ryle lang ako masaya..." ani ko sa kanya, parang batang nagsusumbong.
"I know, baby. I know. I'm sorry," he whispered.
"Dad, hayaan ninyo akong maging masaya. Hayaan ninyo naman akong magdesisyon para sa sarili ko. This time, hayaan ninyo ako..."
"Yes, baby. Hindi na... tahan na..."
Napatingin ako kay mommy na nag-iwas ng tingin.
I smiled with pain.
Kahit gaano pa pala kasakit ang naramdaman mo sa pamilya mo. Hindi pa rin mawawala ang pagmamahal nila.

YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers Parents Story. Maria Felianna Escudero-isang fearless, confident, at drop-dead gorgeous na babae. Campus crush, top student, at halos lahat ng tao sa school ay humahanga sa kanya. She has it all-beauty, brains, at confidence. She's...