Chapter 49

1.4K 18 2
                                    


Nakatulala lamang ako sa kisame. Nasa isip pa din ang mga nalaman at hindi naiwasan na mapaiyak sa halo-halong emosyon na nararamdaman.

Posibleng gusto din ni Ryle na paghigantihan din ako. Iniisip ko na baka bigla niya akong iiwanan ng luhaan dahil natapos na siya sa kanyang plano. Baka iyon ang kanyang balak.

Tangina siya kung gano'n. Sobrang mahal na mahal ko siya tapos gagawin niya ang bagay na iyon? How dare him?

"Baby, how's your feeling? Sobrang nag-alala ako. Akala ko kung ano ng nangyari sa iyo. What happened? Tell me baby that you're okay," malambing na sabi niya.

Mas lalo akong napaiyak. Ayokong isipin na kasama ako sa pinaghihigantihan niya dahil hindi ko iyon naramdaman because he's really genuine at me.

"Ryle, nalaman ko na lahat. Tell me, sabihin mo sa akin. Pinaglalaruan mo lang ba ako? Pinaghihigantihan mo din ba ako? Ako ba ang nais mong madurog kaya tumigil ka sa mga magulang ko?"

Natigilan siya. Gulat ang nakita ko sa kanyang mga mata.

"Hindi ka makasagot kasi totoo? How dare you!" sigaw ko at pinaghahampas ang kanyang dibdib.

Nanatili siyang kalmado ng kuhanin ang mga kamay.

"Sorry, gusto niyang malaman ang lahat pero hindi pa ako tapos nawalan na siya ng malay bigla," I heard Tita Lyn voice.

"Ako na po bahala sa kanya," Ryle replied.

I sobbed. Hinaplos niya ang buhok ko para pakalmahin.

"Calm down first, baby," lambing niya.

"Hindi ako makakalma. Tell me, Ryle. Mahal mo ba talaga ako?" I asked him.

"More than myself, baby. And I'll explain everything."

Pinunasan niya ang mga mata ko atsaka pinaghahalikan.

"Nakikinig ako," he sighed.

"Yes, baby. It's true. Balak ko talagang maghiganti. But unexpectedly, I fell inlove with you. Nakita ko kung gaano mo ka mahal ang mga magulang mo kaya huminto ako dahil ayaw kong magalit ka sa akin kapag nalaman mo iyon. Hinayaan ko na lang lahat. 'Yong plano ko nabalewala kahit na gusto kong maipakulong ang Mommy mo dahil isa siya sa kasamahan upang ipapatay ang mga magulang ko. Pero nagbago ang lahat," he sighed.

Unti-unting nawala ang iyak ko at naging kalmado.

"Bakit ka tumigil? Dapat binigyan mo ng hustisya ang mga magulang mo lalo na kung may kasalanan talaga si Mommy."

"Magiging masaya ka ba mahal kapag nakita mo ang Mommy mo na nasa kulungan? Hindi mo ba ako kamumuhian?" Doon ako natigilan sa kanyang sinabi. "Mas inisip ko ang nararamdaman mo. Ayokong masaktan ka. Ayokong magaya tayo sa komplikadong pagmamahalan nila."

"Why, Ryle..." tanging nasabi ko.

"Dahil mahal na mahal kita, Maria. Kaya kong talikuran ang lahat. Kalimutan ang lahat basta makasama ka ng masaya atsaka payapa."

I cried because of he said. Gusto kong marinig ni Mommy lahat ng mga sinasabi ni Ryle para matauhan siya.

"Alam ng Mommy mo na isa akong Sollano pero nagpanggap siyang walang alam. Nalaman kong balak niya sanang gamitin ang paghihiganti ko para iwanan mo ako. Pero umalis ka sa inyo kaya hindi niya nagawa," he continued.

Kinuha niya ang mga kamay ko at hinalikan.

"And you know what, baby? I'm scared right now. Iniisip ko kung anong tumatakbo sa isipan mo," he confessed.

"I'm sorry..." tanging nasabi ko. "I'm sorry, Ryle. Sa ginawa ni Mommy, sa lahat. Kung matatahimik ka na makulong si Mommy. Tatanggapin ko. Tutulungan kita para sa hustisya sa parents mo."

The Story of UsWhere stories live. Discover now