Chapter 20

986 13 0
                                    


Bigat ang nararamdaman ko. Wala ako sa sarili. Wala akong gana. Gumalaw atsaka kumausap ng kung sino man. Even sina Divina hindi ko kinakausap.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Divina sa nag-aalalang boses.

Hindi ako sumagot. Nanatiling nakasandal ang aking ulo sa may bintana. Nasa gymanisium ang lahat ng mga studyante dahil may malaking announcement. Kami na lamang ang natitira ngayon.

"Felianna..." they called worriedly.

Yumuko ako. "Iwanan ninyo muna ako..." mahinang sabi ko.

Hindi sila sumagot agad. Umubub ako sa mesa at hindi sila pinansin.

Narinig ko ang mga yabag nila papalayo. Tahimik naman akong umubub.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Dahil mahal ko si Ryle? Dahil nasaktan ako sa nakita ko kahit may rason naman.

Valid ba ito?

Napasinghap ako. Nag-angat ng tingin at muling sumandal sa bintana. Kapayapaan ang nararamdaman ko ngayon dahil walang kahit na sinong tao dito sa room kundi ako lamang.

I closed my eyes and sighed. Pinakalma ko ang nararamdaman. Ayaw kong magpadala sa emosyon

"Bakit nandito ka pa? Nasa gymanisium na ang lahat. Dapat wala ng studyante na narito," isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya napaayos ako ng pagkakaupo.

I looked at him. Kalmado ang kanyang mukhang nakatingin sa akin. I smiled a bit.

"Hi!"

"Why are you still here, Felianna? Dapat nasa gymnasium ka na," sabi niya.

Ngumuso ako. Napatitig siya. "Ikaw din naman nandito."

He chukled. "Damn, woman..." he murmured.

Tama naman ako, ah.

"Nag-checheck ako ng bawat room kasi utos sa akin. Nakita kita dito kaya bakit nandito ka pa?"

Umiwas ako ng tingin. Napakagat labi ng maalala ang dahilan.

"Wala akong gana, e. Tinatamad din ako." I pouted.

"Tsk. Halika na," anyaya niya sa marahang tono.

I looked at him cutely. "Ayaw ko. Dito na lang ako. Please? Huwag mo na lang sabihin."

He sighed and shook his head. "Hindi puwede, Felianna. Makikita ka ng ibang kasamahan mo kaya tara at pumunta tayong garden..." anyaya niya.

My eyes widened. Napangiti ako at napatayo.

"Labas tayo school gusto ko!" sabi ko.

"Hindi puwede..."

Napanguso ako at nagcross."Dali na!"

"Hindi tayo close pa!"

Natigilan ako. Nanlalaki ang mga mata. "Friends na kaya tayo! Ang daya mo!" asik ko.

Napakagat siya ng labi. Ang mukha niya ay nagpipigil ng tuwa sa nakikita.

"May sinabi pala ako?" inosentang tanong niya. Mas lalo akong napanguso at inirapan siya ng bahagya.

Itinaas ko ang mga paa sa  upuang nasa harapan ko. Nakatitig siya sa akin habang may ngiting nagtatago.

"Doon ka na. Iwan mo ako. Kainis ka!" sabi ko pa sa kanya.

Natawa siya at may ibinulong pero hindi ko na narinig iyon. Inilahad niya ang kamay sa aking harapan. Nagtaka ang aking mukha.

"Baka magbago pa ang isip ko kapag hindi mo inabot ang kamay ko."

The Story of UsWhere stories live. Discover now