It’s really fulfilling to be in a relationship where both of you are pursuing your dreams together and dreaming about a future as a team. You grow and mature together, exploring new things and supporting each other’s goals. It creates a deep sense of partnership and shared purpose that can make the journey through life even more rewarding.Mas nakikilala pa din namin ni Ryle ang isa't-isa. Sometimes hindi talaga mawawala ang tampuhan at away sa pagitan naming dalawa. But he really knows how to handle me.
I can’t believe we’re already both in college; it feels like just yesterday we started dating. I’m also getting excited as we prepare for our first anniversary.
"Hindi na kami nagtaka na magkakatuluyan kayong dalawa. Biruin mo, fling kayong dalawa at imposibleng hindi kayo magkagustuhan sa isa't-isa!" sabi ni Divina.
Umiling ako atsaka sumimsim sa buko juice. "I didn't expect that."
"Mapapaamin ka talaga kapag nagseselos ka." Tawa ni Jaja.
Totoo naman.
"Parang kailan lang naging kayo. Mag-first anniversary na agad! Anong plan ninyo sa anniversary?" Jaja asked.
"Wala siyang sinasabi sa akin pero bibisitahin ko siya mamaya. Baka mapag-usapan namin." I answered.
We really don't have a plan. Hindi nga namin napag-uusapan ni Ryle, iniisip ko na lang din na baka may surprise siya or what.
"Baka naman surprise," sabi ni Divina.
"Baka nga."
Magiisang taon na kaming dalawa ni Ryle. Until now, I can't still believe na magkarelasyon kaming dalawa. Na ‘yong crush at ka-fling ko lang dati boyfriend ko na, at magiging asawa pa.
Mas naeexcite pa tuloy ako sa susunod na mangyayari sa buhay namin lalo na sa relasyon namin.
"Oo nga pala, kumusta naman si Ryle with your parents?" Napahinto ako sa tanong ni Divina.
Napansin naman nila iyon kaya napatingin sila sa akin. I sighed a bit. Hindi agad ako nakaimik.
Hindi pa din tanggap ni Mommy si Ryle para sa akin, kahit na mag-iisang taon na ang relasyon naming dalawa. Ramdam ko pa din ang pagkadisgusto ni Mommy kay Ryle pero si Ryle sobrang laki ng respeto niya kay Mommy kahit na harap-harapan na din siyang iniinsulto ni Mommy.
"Hindi ko talaga maintindihan iyang Mommy mo kung bakit hanggang ngayon hindi pa din matanggap si Ryle. E, ideal man nga si Ryle. Nasa kanya na ang lahat. Wala ka ng hahanapin pa," sabi ni Divina na napapailing.
"Hindi naman kasi alam ni Mommy na Sollano si Ryle," I said softly.
Umangat ang kilay ni Jaja. "Kailangan pa bang malaman ng Mommy mo bago niya matanggap si Ryle?"
"Oo nga. Atsaka kapag nalaman niya. For sure tatanggapin niya agad si Ryle kasi maya awwman ito kaya huwag ninyong ipaalam. Pangit na tatanggapin niya si Ryle kasi nalaman niyang mayaman pala." Iling ni Divina.
Napahinga ako ng marahan. "Wala naman akong balak sabihin sa kanya lalo na si Ryle. Pero kasi naaawa din ako kay Ryle dahil pinagsasalitaan pa din siya ni Mommy ng hindi maganda," sabi ko sa kanila.
"Hay nako talaga. Mahirap kapag parents na ang kalaban. Sa sitwasyon ninyo Felianna, ang magiging hadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa ay ang Mommy mo," Jaja said.
"Hindi ko naman hahayaan na masira ang relasyon namin dahil kay Mommy."
"Dapat lang," sabi nila.
Nagtungo kami sa isang mall after. Gumala kami doon atsaka namili na din ng kung ano-ano.
YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...