"Ryle, ayos lang ba sa iyo na hindi ako marunong magluto?" I asked while watching him cooking.Wala siyang suot pang-itaas. Tanging short lamang.
"Wala namang problema doon. Ako ang magluluto para sa‘yo."
"Pero dapat babae ang nagluluto hindi ba? Nakakahiya hindi ako marunong magluto. Kung sakaling nabubuhay ang parents mo. Baka hindi nila ako gusto para sa‘yo kasi pagluluto lamang hindi ko pa alam."
He glanced at me. He licked his lips.
"Hindi din marunong ang Mommy ko magluto, Felianna. Siya din nagsabi sa akin na kung hindi siya kayang pagsilbihan ni Daddy, ay maghiwalay na lang daw sila kung pagtatalunan nila iyon," sagot niya.
Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Pinaglaruan ang basong may lamang gatas.
"I need wife. Not a servant, baby. Mas mabuting ikaw ang pagsilbihan ko kaysa ako ang pagsilbihan mo," he said softly.
Tumango ako. Pero hindi mawala sa isipan ang bagay na iyon. Para sa akin kasi mahalagang marunong dapat ang isang babae na magluto. Hindi puwedeng puro lalaki na lamang ang siyang gagawa ng mga bagay na dapat ang babae ang gumagawa.
Kahit okay kay Ryle, hindi ko maiwasan na mag-isip ng kung ano. Bigla ding bumalik sa isipan ko ang mga sinabi ni Chanda.
"Look at me, baby." Nag-angat ako ng tingin sa kanya.
Nakahawak siya sa lamesa habang nakatingin sa akin. He's looking at me passionately.
"Stop thinking something, okay? Hindi mababawasan ang pagmamahal ko sa iyo ng dahil lang sa gano'ng bagay. There's nothing wrong if you don't know how to cook. Mahal pa din kita," malambing niyang sabi.
Pilit akong ngumiti. "I'm sorry. Gusto ko din kasing pinagluluto kita. Puro ikaw na lang kasi," mababang boses na sabi ko.
He smiled. "Tuturuan kita kung gusto mo talaga. Huwag ka na sumimangot diyan, baby. Ngiti na," he teased.
Wala tuloy ako sa sariling napangiti.
"Nakakainis ka!" he chukled.
"Bakit kasi sumisimangot ang magandang baby na iyan. Dapat nakangiti lang," sabi niya.
Alam niya talaga kung paano ako mapangiti ng mabilis.
Ginugol namin ang oras sa kusina bago kami lumabas. Napaawang ang labi ko at namangha sa ganda ng lugar.
"Ang ganda dito, Ryle! Parang gusto ko ng dito na lang tayo tumira," sabi ko. He chukled and pulled.
"Let take us photo first," malambing niyang bulong.
"Ipopost mo lang sa mga social media accounts mo, e!"
Tumaas ng bahagya ang kanyang kilay.
"What's wrong with that, baby? Masama bang ipagmalaki kita sa lahat?"
Sa aming dalawa, si Ryle ang mas mahilig na kumuha ng mga litrato. Siya na mismo ang nag-aaya. Kapag papakialamanan ko ang kanyang phone puro mukha ko ang nasa gallery niya. Karamihan stolen shots pa. Wala akong kamalay-malay.
Marami din siyang mga posts na picture naming dalawa sa mga social media accounts niya, lalo na ang mga larawan ko. Simula nung maging kami.
Kinuhanan niya muna ako ng litrato gano'n din ako sa kanya.
Nakasuot lang si Ryle ng shorts tapos nakashade pa na siyang dumagdag sa appeal niya. Ako naman nakaroba pero sa ilalim noon ay swinsuit.
"Ryle!" tili ko ng bigla akong buhatin ni Ryle at dinala sa may tubig.

YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers Parents Story. Maria Felianna Escudero-isang fearless, confident, at drop-dead gorgeous na babae. Campus crush, top student, at halos lahat ng tao sa school ay humahanga sa kanya. She has it all-beauty, brains, at confidence. She's...