Chapter 15

11.2K 87 5
                                        


Dinaldal ko nang dinaldal si Chanda. Nakikinig naman siya sa akin pero hindi nagsasalita. Minsan lang kapag tinatanong ko pero ayos lang sa akin. Sasanayin ko naman siya.

Nahalata ko sa kanyang hindi talaga siya sanay na may taong lumalapit sa kanya. Mahiyain din talaga kasi makikita mo sa mukha niya. Tapos takot din siyang magsalita. Careful siya sa mga sinasabi niya. Inobserbahan ko kasi siya, dahil doon mas gusto ko tuloy siyang makilala pa lalo.

Gusto ko din maging magkaibigan talaga kaming dalawa.

"Hindi ka ba komportable?" I asked worriedly.

Inayos niya ang buhok na humarang sa kanyang mukha. Ang ganda niya talaga!

"Hindi lang ako sanay. Hindi din ako makapaniwala na may gustong kumaibigan sa akin. Everyone doesn't like me."

My nose wrinked. Paano naman niya nasabi na hindi siya gusto ng mga tao? I mean, she's pretty and kind.

Mga bulag siguro sila para hindi magustuhan ang babaeng kagaya niya.

"Hindi lahat, Chanda. Kasi ako gusto kita to be my friend, e. Atsaka hayaan mo kung hindi ka nila gusto, pero sana huwag mong itatak sa isipan mo na lahat ng tao ay ayaw ka," sabi ko sa kanya at ngumiti.

She glanced at me. "Thank you, Felianna. Hindi talaga ako  confident sa sarili ko. I felt that I don't belong in this world kaya nasanay na akong mag-isa."

Hinaplos ko ang kanyang braso. "Hindi ka na mag-iisa pa kasi I'm here na, oh! We are friends na!" Masiglang sabi ko.

She smiled at me genuinely. Grabe, mas lalo siyang gumaganda kapag nakangiti. Like, ang perfect ng mukha niya.

"You're pretty and kind, Chanda. Mga bulag siguro sila para hindi magustuhan ang kagaya mo. Pero hayaan mo na lang If they don't like you. Hindi mo kailangan ng mga taong plastic at hindi totoo sa‘yo. You deserve a real friends, okay, okay?" I said while smiling.

"Salamat talaga, Felianna. Hindi ko alam pero ang gaan na agad ng loob ko sa‘yo. Thank you."

Ngumuso ako. "You don't need to be thank you. Ayaw ko kasi talagang may mga taong kagaya mo. Ipapakilala kita mamaya sa friends ko. Ay kapag ready ka na. They're nice naman tapos mababait. Prangka lang at walang filter ang bibig." She nodded.

Nagkuwentuhan kaming dalawa. Nakita ko na kahit na paano ay may improvement naman siya habang kausap ako. Marami din akong nalaman about her.

She's talented! Nakakatuwa lang.

"Ah, hindi ko masasabi na mayaman kami pero nabibili ko lahat ng gusto ko. I mean, nakukuha ko lahat ng gusto ko. My parents spoiled me so much."

"Talaga? Same pala tayo!" ngiting sabi ko. "Teka pala, ano full name mo?" I asked.

She smiled and looked away. May kung sino siyang tinitingnan sa mga naglalaro.

"Chanda Amiel Ellison."

Namangha ako sa ganda ng name niya.

"Wow, bagay sa iyo ang name mo! Atsaka parang pamilyar sa akin ang Ellison!" sabi ko sa kanya.

She smiled a bit. "Ahmm...kilala kasi ang parent's ko. May business kasi sila tapos may mga pinsan din akong kilala," sagot niya. Napatango-tango ako.

"Kaya naman pala. Wala kang boyfriend?" I asked nowhere.

Bigla siyang namula atsaka napayuko. Nagtaka naman ako sa ikinilos niya at hindi maiwasan na kumunot ang noo.

Mukhang may boyfriend siya!

"Hah...wala akong boyfriend. Wala naman magkakagusto sa akin," sagot niya.

"Ano bang sinasabi mo? Ang dami kayang puwedeng magkagusto sa kagaya mo!" sabi ko sa kanya.

The Story of UsWhere stories live. Discover now