Chapter 8

4.3K 36 0
                                    


"No kisses. Sabihin mo muna sa akin anong iniiyak mo?" he asked softly while gently wiping my face.

"Hindi ako umiyak!" tanggi ko.

His brow raise. "Really hah?"

Ngumuso ako. "Umiyak ako."

Pagak siyang natawa. Kainis! Tinatawanan lamang ako. Wala namang nakakatawa.

"Sino ‘yong babae? Bakit gano'n kayo? Close kayo no'n?" mahinang tanong ko at nagbaba ng tingin.

"Iyon ba ang iniyakan mo?"

"Hindi!" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nakaangat pa din ang isang kilay. "Napuwing lang ako,"

"Tsk, hindi ka marunong magsinungaling Maria," sabi niya.

"Hindi naman talaga ako nagsisinungaling."

Napapailing na lamang siya sa akin. Nakayakap pa din siya sa baywang ko. Malapit ang mukha namin sa isa't-isa.

"We are classmates," sabi niya.

"Hindi ko tinatanong," matabang sabi ko.

He shook his head. May nagtatagong ngiti sa labi.

"You jealous now hah,"

"Hindi ako nagseselos. Bakit ako magseselos? Wala naman akong karapatan,"

Bigyan mo ako para may karapatan akong magselos.

Imbes na sabihin iyon ay sa isip ko lamang. Baka mamaya ano pa sabihin niya. Lumalagpas na ako sa napag-usapan naming dalawa.

"Ako nagselos."

I looked at him curiously but deep inside kinikilig na ako.

Nagselos siya kay Chester? Effective ang naisip ni Divina.

"Hindi ka gano'n sa mga kaibigan ko Maria. Close ka sa kanila pero hindi gano'n kaya bakit mo siya inakbayan hah? You are laughing too with him. Napapasaya ka niya?" matabang niyang tanong.

Napahagikgik ako at saglit na yumuko.

Nagseselos nga siya! Nagselos siya! Oh my ghod! Gano'n pala siya magselos?

"Cute mo naman po magselos," I teased.

Napapoker face na lamang siya.

"Huwag mo akong daanin sa ganyan. Mag-uusap tayo," mariin niyang sabi.

"Magkiss na lang tayo!" Ngiti-ngiti ko.

"Maria," he warned.

Ngumuso ako. Yumakap sa kanyang leeg. I wrapped my legs around his waist too. Agad niya naman akong binuhat atsaka naglakad papunta sa sa may semento. Marahan niya akong ibinaba doon.

"Let me hug you..." lambing ko.

"Mamaya, mag-uusap muna tayo. Gusto kong malaman ang lahat," he said softly.

Tumango na lamang ako habang nakanguso. Nasa harapan ko siya ngayon. Ang magkabilang hita ko ay nasa gilid niya parehas. Nasa gitna ko siya. Saktong-sakto lang ang mukha niya sa akin dahil matangkad.

I carresed his light brown hair habang ngumingiti.

"Let me know our problem, baby. Alam mo naman na ayaw kong umiiyak lalo na at ako ang dahilan," malambing niyang sabi.

Mas tumulis ang ngumuso ko. "Hindi naman na importante."

He sighed and looked at me with his expressive eyes.

"Importante sa akin, Maria. Kahit na maliit na bagay."

My heart skipped a beat. Hayan na naman siya. Nagwawala na naman. Kayang-kaya talaga akong baliwin ni Ryle gamit ang mga salita niya lamang.

The Story of UsWhere stories live. Discover now