Hindi kami nagpansinan ni Mommy ilang araw. Napansin din naman ni Daddy iyon pero hindi siya umiimik. Alam niyang may problema pero hindi siya nakikisali. Matapos kasi ng nangyaring sagutan sa pagitan naming dalawa ay hindi ko iniimikan si Mommy.Masama ang loob ko sa kanya.
Hindi ko akalain na gano'n ang masasabi niya about kay Ryle. Hindi niya naman gaanong kilala pa.
"Saan ka pupunta, anak?" malambing tanong ni Daddy.
Napahinto ako sa paglabas sa pinto. Nilingon ko siya.
"Kay Ryle po," sagot ko.
Tumango si Daddy at tinitigan ako na animo'y sinusuri.
"Come here. Let's talk first," sabi niya.
Saglit akong natigilan pero lumapit din sa kanya. Sa terrace kami nagtungo na dalawa. Agad na bumungad sa amin ang liwanag.
"Mahal mo siya," sabi niya.
Ngumiti ako. "Sobra po, Daddy," proud kong sagot.
Ngumiti si Daddy ng maliit.
"Tell me about him. Paano kayo nagsimula." Natigilan ako. Tinitigan ko si Daddy. He chukled when he saw my reaction. "Gusto ko lang malaman ang buong storya."
Napakagat labi ako. Hindi na nawala ang ngiti sa labi ko. Hindi ko inaasahan iyon kay Daddy. He supports me in everything that I want at nararamdaman kong susuportahan niya ako sa pagmamahal ko kay Ryle.
"Ahm. Paano ko ba ikukuwento," sabi ko. "
"I'll listen, anak."
Sumandal ako sa railings habang nakatingin sa ibaba. Gano'n din si Daddy. Hindi naman malayo ang agwat namin sa isa't-isa.
"We are fling po, Daddy. Ako po ang unang lumapit sa kanya. Nilandi ko po siya," sabi ko at namula.
Isang kahihiyan iyon kung sa iba dahil babae pa mismo ang siyang nagfirst move. Ngayon ko nararamdaman ang hiya.
Hindi ko tuloy matingnan ang reaksyon ni Daddy na siyang nakikinig.
"We even make out too po," pag-amin ko pa. Pulang-pula na ang mukha ko.
Pagak na natawa si Daddy. "Nahulog ka sa kanya?"
Tumango agad ako. "Hindi ko naman inaasahan iyon, Daddy. Basta bigla na lamang akong nagselos. Nung una ayaw ko pang aminin sa sarili ko kasi baka hindi kami parehas ng nararamdaman," sabi ko pa.
"Pero ang totoo siya ang unang nahulog at hinintay ka lamang na mahulog sa kanya."
Nanlalaaki ang mga mata kong tiningnan si Daddy. Nakangiti si Daddy sa akin.
"Paano mo po nalaman, Daddy? Saktong sakto po sa nangyari sa amin."
Daddy chukled and tilted his head. "Unang kuwento mo pa lang anak alam ko na. At may kakilala akong sa ganyan din sila nagsimula. Kamag-anak lang din natin. Ikaw pa ang umulit."
Kamag-anak namin? Sino kaya?
"Talaga po, Daddy?" He nodded.
"Una pa lamang napansin ko ng may kakaiba sa inyo ng kaibigan mong iyon, anak. Lalaki ako at alam ko ang kilos ng kapuwa lalaki ko. Kakaiba tumingin iyon sa iyo kaya hindi na ako magtataka pa," ngiti niya.
"Paano mo naman nasabi, Daddy?"
"Sa tuwing kasama mo iyon dito. Pinagmamasdan ko siya, anak. He's really inlove with you. Ang tingin niya sa iyo ay tingin na aalagaan ka at mamahalin ng sobra. That man is damn inlove with you, hah," he chukled.
YOU ARE READING
The Story of Us
RomansaSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...