Nanatili si Ryle sa akin. Ayaw ko din namang bumalik agad sa maynila. Nirespeto niya naman ang bagay na iyon at naintindihan niya."Why my baby is crying?" he asked softly ng makita niya akong umiiyak.
Naalimpungatan si Ryle dahil sa biglaan kong pag-iyak.
"Umiiyak ang buntis ko," pang-aasar niya habang nakahawak sa baywang ko at hinahalikan ang mga matang namumungay.
"Anong gusto ng buntis?"
"Strawberry..." iyak ko. He chuckled.
"Tahan na. Parang bata," sabi niya.
Mas lalo lamang akong umiyak at siya ay natatawa.
"Strawberry lang, anything?"
"Cake. Kulay green atsaka pink. With marshmallow lahat."
Napahalakhak siya. "Wait then. You will gonna eat everything."
Inalalayan ako ni Ryle na tumayo. May tinawagan naman siya habang nasa terrace. Ngumuso at lumapit sa kanya. Agad niya akong inakbayan.
"Gusto ng buntis kong asawa. Hindi puwedeng hindi niya makain at baka magwala."
Narinig ko ang tawa ng kung sino sa kabilang linya.
"Inamo ka. Binuntis mo kasi agad."
"Sharp shooter lang," ngisi ni Ryle. "Basta kailangan ko na dito ang mga iyon agad. Hindi puwedeng matulong si Misis ng hindi nakakain ang cravings."
Sinulyapan niya ako habang nakatitig ako sa kanya. Pinatakan niya ng halik ang aking labi.
"Sige, sige. Isang milyon ito." My eyes widened.
"Kahit magkano pa iyan," Ryle answered and the call ended.
"Sino iyon?" I asked.
"My cousin, baby," he answered. I nodded.
"Inabala mo pa siya."
"Hindi kita puwedeng iwanan dito," mabilis niyang sagot.
Ngumuso ako at mas yumakap sa kanya. "Taon-taon kitang bubuntisin para malambing ka sa akin palagi."
Nahampas ko ang kanyang braso na ikinatawa niya lang.
"Kidding, baby."
Hinahalik-halikan niya ang aking balikat habang nakayakap sa aking likuran. Tinatangay ng hangin ang ilang hibla ng aming mga buhok.
"Oo nga pala, Ryle. Gusto ko pumunta sa school kapag nakauwi na tayo sa Maynila. Aayusin ko-"
"No need for that, baby. Inasikaso ko na bago pa kita puntahan dito sa probinsya. Nakausap ko na ang mga teachers even the head of the school. Gusto mo ba mag-home school?"
Hindi agad ako nakaimik. Nagulat sa unang sinabi.
"Bakit mo ako inunahan?"
"Baka mapagod pa ang mahal ko."
"Anong sabi nila?" I asked curiously.
"They understand, and congratulations to us daw," simpleng sagot niya.
Ibig sabihin alam nilang nagdadalang tao ako? Ano na kaya ang sinasabi nila about sa akin? Disappointed kaya sila?
"Stop thinking something. Hayaan mo sila sa kung anong iisipin nila," sabi niya.
"Hindi ko naman iniisip. I'm just worried. Alam mo naman na maganda ang image ko do'n," malungkot kong sabi.
"Sobrang ganda mo sa mga paningin ko." Napanguso ako.
YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...