Chapter 4

1.3K 12 0
                                    


Hindi pa ako nakakababa ng kotse tanaw ko na agad ang mga kaibigan ko na nag-aabang sa gate. Si Ryle agad ang hinanap ng mga mata ko.

Nakalagay ang kanyang mga kamay sa bulsa ng pants. Seryoso ang kanyang mukha. Agaw atensyon siya dahil sa tangkad niya. Nakikita ko kung paano maghagikhikan ang mga babae para mapairap ako.

As if naman na papansinin sila ng lalaking sa akin.

Nakita ko na sinabunutan ni Divina si Chester na halatang dumaing. Natawa ang  mga katabi nila sa kanila.

Ang dalawang ito talaga kahit kailan. Baka mamaya sila pa ang magkatuluyan.

Kinakausap naman ni Jaja si Mary na napapangiti.

"Thank you po. Ingat po!" sabi ko sa driver.

He smiled at me. "Ingat din, Ma'am!"

Tumango lang ako at kumaway. Naglakad na ako palapit sa kanila. Agad silang umayos at sinalubong ako.

"Nakakaloka ka naman. Ang aga mo. Nagmadali tuloy ako!" reklamo ni Divina na kumapit sa braso ko.

"Maaga ako nagising. Tinatamad naman ako sa bahay."

"Palusot mo bulok. Miss mo lamang si Ryle." Kumapit din si Lily sa braso ko.

Tinawanan ko lamang sila. Palagi ko naman miss si Ryle. Minu-minuto. Miss ko din lalo ang halik niya.

"Kanina pa tahimik si Ryle," bulong ni Jaja.

I looked at Ryle. He's looking at me now. Ngumiti ako sa kanya. Maliit siyang ngumiti.

"Sa‘yo lang talaga naimik iyan ng sobra," sabi nilang dalawa.

Umiling ako. Inalis ko ang kanilang mga kamay sa braso ko. Lumayo ako kay Ryle. Kailangan ko pang tumingala dahil sa tangkad niya.

Sana matangkad magiging mga anak namin.

W-what?

"Hindi ka natulog ng maaga ‘no?" tanong ko.

He chukled and pulled me. He lowered his head  para isiksik ang ulo sa leeg ko.

"Ang aga namang kalandian!" Pagpaparinig nila.

Ang aga kasing maglambing nitong baby ko.

"I'm sorry, baby. Ginawa ko lang ang projects ko kagabi," malambing niyang bulong.

Kaya naman pala. Halata ko kasi agad sa mukha niya. Halatang inaabtok pa ang mga mata. Guwapo pa din naman siya.

"Ayos lang. Mag-sleep ka na lang maaga mamaya. Wala naman tayong gala ata," sabi ko.

Tumango siya sa aking leeg na marahan niyang pinapatakan ng halik.

Hinayaan ko muna siya doon. Mukhang kailangan niya. Hindi ko na alintana kung nasaan kami ngayon. Tanging yakap niya lamang ang nasa isip ko.

"Mamaya na kayo sa rooftop. Nakakahiya kayo. Nakakainggit," rinig kong sabi ni Jaja.

Umalis si Ryle sa leeg ko. Namumungay ang mga mata.

Kawawa naman ang baby. Puyat.

"Give me a kiss," paos niyang sabi.

I chuckled. Tumingkayad ako para bigyan siya ng halik sa pisnge. He smiled and kissed my forehead.

Saktong-sakto lang talaga ang tangkad niya para mahalikan ako sa noo.

"Let's go," anyaya niya.

Hinawakan niya ang aking kamay.  Pinagsiklop ang aming mga daliri para mapangiti ako. Sabay kaming pumasok sa loob.

The Story of UsWhere stories live. Discover now