Masaya talaga magkaroon ng mga kaibigan ‘no? Mga kaibigan na totoo talaga sa‘yo. Hindi ‘yong nandiyan lamang kapag masaya ka. Kapag may kailangan sila sa‘yo kundi nandiyan sa lahat ng bagay. Sa panahong umiiyak ka, kailangan mo ng masasandalan at mapagsasabihan mg mga problema. Ang sarap makakilala ng mga taong hindi ka iiwan kahit na magkaroon na kayo ng sari-sarili ninyong buhay at pamilya.Tipong magkakaibigan pa din kayo hanggang sa huli.
Para kang nasa isang tahanan kapag kasama sila. Hindi mo maiisip ang mga problema at stress sa acads. Sila minsan ‘yong taong magpapawala ng mga isipin mo. Hindi sila plastic kasi sasabihin nila ang mali mo. Ipagtatanggol ka nila public pero private pagsasabihan ka nila. They never tolerate your wrong doings.
Ang sarap mapunta sa mga kaibigan na sasamahan kang mag-grow as yourself. Tutulungan kang iparealize ang lahat ng mga bagay na dapat mong ma realize. Itatama nila ang mga mali mo.
Naisip ko lang kasi sobrang suwerte ko pala sa mga naging kaibigan ko ngayon kasi napunta din ako sa mga immature, toxic and backstabber na mga friends nung una.
But in the end, mapupunta ka pa din sa tamang mga tao. May pakialam sa‘yo lalo na sa nararamdaman mo. Hindi nila i-invalid ang feelings mo, pero kapag mali ka talaga hindi nila sasang-ayunan.
Nakakatuwa na sila ang mga kaibigan ko. People come and go at sila ang ayaw kong umalis sa buhay ko. Nasanay na ako na madalas silang kasama, at alam kong balang araw mamimiss namin ‘yong mga bondings namin kaya kailangang sulitin ngayon habang wala pa kaming mga sariling pamilya.
"Oo nga pala Fely girl. May binili kami para sa‘yo bago kami magpunta dito. Couple tayong lahat!" Ngiting sabi ni Divina at kinuha ang kanyang bag.
Nasa kuwarto ko kami ngayon at nanonood.
Pinakita sa akin ni Divina ang isang hoody jacket pero bunny.
"Pang bata!" sabi ko kaagad.
Inirapan niya ako. "Bata pa naman tayo. Baby ka pa nga ni Ryle." Ismid niya.
Hinagis niya sa akin iyon na sinalo ko. Napanguso ako ng pasadahan ko ng tingin matapos iangat.
Cute siya.
"May pajama pa iyan, partner!" sabi niya at hinagis pa ang isa.
Para naman kaming mga bata kapag sinuot namin ito.
"Suotin natin mamayang gabi tapos pictures tayo. Pang myday," sabi niya. Tumango na lang ako at itinabi iyon.
"May gano'n din ang boys?" I asked.
"Oo, si Ryle pumili ng iyo. Naunahan niya nga si Achie. Gusto din iyan kaso si Ryle nanalo kasi favorite color mo daw ang green, e," she chukled.
Talaga? Si Ryle ang pumili. Kaya naman pala magiging bagay sa akin dahil bagay din ’yong pumili sa akin.
I giggled. "Lah siya. Hulog na naman."
Inirapan ko lang siya. Panira.
"Siya, magbebe time kayo ni Ryle. Miss ninyo isa't-isa kahit na nagkikita naman araw-araw. Magsarili kayo ng mundo," ngiti niya.
"Thanks," sagot ko.
She rolled her eyes before left me. Nasa banyo pa si Ryle kasi natapunan siya kanina ng sopas. Nasagi ko kasi ‘yong sa akin. Hindi ko naman sinasadya. Saktong sa damit niya pa tapos sa pants. Buti may dala siyang extra na damit.
Kung ano-ano na lang muna ang ginawa ko habang nakasandal sa headboard ng kama. Nagscroll ako sa cellphone.
"May tumatawag kay Ryle!" sabi ni Achie. Naagaw no'n ang atensyon ko.

YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers Parents Story. Maria Felianna Escudero-isang fearless, confident, at drop-dead gorgeous na babae. Campus crush, top student, at halos lahat ng tao sa school ay humahanga sa kanya. She has it all-beauty, brains, at confidence. She's...