Chapter 24

880 18 3
                                    


Si Ryle ang unang lumabas. Kinuha niya ako ng aking masusuot kasi basa na ang damit ko. Siya ang nagbihis sa akin at sabay kaming lumabas pagkatapos.

Napahagikgik na lamang ako. Lumabas kami ng kuwarto. Naabutan namin si Chanda sa sala na siyang tahimik at parang may iniisip.

"Sorry, Chanda. Natagalan si Ryle," marahang sabi ko kay Chanda.

She looked at me... nakikita ko ang sakit sa kanyang mga mata at paiyak na siya pero nagpigil.

Alam kong narinig niya ang mga pagdaing ko kaya gano'n na lamang ang kanyang ikinilos.

"Tapusin na natin ang project, Chanda," marahang sabi ni Ryle at umupo sa couch.

"Ayos lang ba sa iyo na nandito si Felianna?" she asked softly.

Napaangat ang isang kilay ko. Parang pinapahiwatig niyang hindi dapat ako nandito, ah.

"I'm fine with that, Chanda. Tahimik lang naman si Maria at baka matulungan pa tayo," sagot ni Ryle.

Dahan-dahan na napatango si Chanda atsaka tumingin sa akin.

“We can all work together on the project with her," Ryle added.

I sat down next to him, with Chanda taking a spot on the opposite end of the couch. The room fell into a rhythm of focused work, but I couldn’t shake the feeling of awkwardness that lingered in the air. Chanda seemed to be concentrating on her work, but every now and then, she would glance up, her eyes meeting mine briefly before she looked away.

Nakalatag sa lamesa ang isang puting kartolina, mayroon din sa ibabang dalawa pa. Nakakalat ang kanilang mga gamit. Drawing ang nakita ko doon.

Akala ko sa Architecture ang ganito, pati din pala sa Engineer kailangan din silang magdrawing.

Tahimik akong pinanonood silang dalawa. Seryoso si Ryle habang gumuguhit. Pinapantay niya ang bawat linya. Naririnig ko din ang pinag-uusapan nilang dalawa sa bawat metro.

Humanga ako kay Ryle dahil ang galing niyang magpaliwanag. Sa pagkakaintindi ko kailangang pantay daw ang linya ng kanilang iguguhit. Walang labis at walang kulang kasi iyon ang isang mapapansin na mali sa kanilang project.

Tinulungan ni Chanda si Ryle. Parehas silang seryoso na dalawa pero napapansin ko ang pasimpleng pagsulyap ni Chanda kay Ryle. Hindi ko maiwasan na mapairap.

"Ryle..." malambing tawag ko.

Agad siyang humarap sa akin. "Something wrong, baby?"

Napatingin ako kay Chanda na mabilis na umiwas ng tingin. I shook my head.

"I'm hungry," sabi ko. He chukled.

"Puwede kang magluto sa kusina Felianna para hindi mo na maabala si Ryle," sabi niya. "Ay, hindi ka pala marunong magluto."

Sumama ang tingin ko. Nanadya siya talaga. Imbes na mabait ako ay parang lalabas ang ugaling mayroon ako dahil sa kanya.

"Gano'n ba talaga kapag masyadong umasa sa mga kasambahay sa bahay?" she asked casually.

I looked at her and smiled. "Hindi naman, Chanda. Talagang hindi lang ako ang kumikilos sa bahay namin dahil ayaw din ng parents ko kasi gusto nilang magfocus ako sa bagay na gusto ko," I answered.

"Talaga? Pero para sa akin hindi puwedeng aasa na lamang tayo sa kanila. Hindi na tayo mga bata para asikasuhin pa. Isa pa, simple lang naman ang pagluluto na dapat alam ng isang babae. Kawawa naman kasi ang magiging asawa mo kung sakali man kung lahat siya ang gagawa," sabi niya.

Nairita ako. Casual ang kanyang pagkakasabi pero iba ang dating noon sa akin. Parang may nais siyang iparating sa akin.

Hindi ako nakapagsalita. Aaminin kong naapektuhan ako sa kanyang sinabi.

The Story of UsWhere stories live. Discover now