"Eh, ewan ko ba diyan sa Mommy mo Felianna. Wala namang problema kung hindi mayaman si Ryle. Basta nagmamahalan kayong dalawa, atsaka hindi ka naman pababayaan ni Ryle, ah!" asik ni Divina sa kabilang linya.Nakikita ko ang gigil sa kanyang mukha sa screen. I understand her reaction at tama din naman ang mga sinasabi niya. Kinuwento ko kasi sa kanya, sa kanila ang lahat.
"Nako, Felianna. Sinasabi ko talaga sa iyo. Huwag na huwag mong sasaktan iyang si Ryle. Alam mo kung gaano kabait si Ryle. Hardworking person pa. Ikaw ang kailangan niya ngayon. Ikaw lang ang masasandalan no'n at pinagsasabihan ng nararamdaman. Paano iyon kapag iniwan mo hah?"
My eyes widened a bit.
"Anong pinagsasabi mo diyan! Hindi ko iiwan si Ryle. Never, kailanman!" agap ko.
"Mabuti naman kung gano'n, talagang friendship over na tayong dalawa kapag hindi iniwan mo siya."
Ngumuso ako. "Grabe ka naman sa akin. Hindi ko naman gagawin iyon. Hindi ko iiwan si Ryle," sabi ko.
"Dapat lang. Minsan lang may magmahal ng lalaking ganyan sa iyo at mahirap maghanap ng kagaya ni Ryle na handang ibigay ang lahat kaya huwag mo na talagang pakawalan. Sige ka, makuha iyan ni Chanda." Tumawa siya. Nang-aasar.
Natigilan ako. "Oo nga pala. Ano ng balita kay Chanda? Nabusy ako lately."
"Hindi ko alam. Pero ang naririnig ko may boyfriend daw si Chanda kaso secret ang relationship. Matagal na daw sila."
My eyes widened a bit. "May boyfriend siya habang nagkakagusto kay Ryle?" she nodded.
"Oo gano'n na nga. Chismis lang naman iyon. Hindi pa naman sure. Atsaka mahirap na."
Si Chanda na ang pinag-usapan naming dalawa. Marami siyang kinuwento about Chanda, mga nasagap niya lamang.
Wala na kasi akong naging gaanong balita kay Chanda kasi na busy na din kaya hindi ko na siya pinansin.
Best friends sana kami kung hindi ko lang nakita at nalaman ang totoong ugali niya, pero ayos na din kaysa naman maging kaibigan ang hindi totoo.
Matapos naming mag-usap ay nag-ayos lang ako ng sarili para mamayang gabi. Magkausap naman kaming dalawa ni Ryle sa call. Nakaharap siya sa kanyang laptop at may ginagawa.
Nung kinagabihan. Hindi ko maiwasan na kabahan dahil baka kung ano ang mangyari mamaya pero sana ay walang mangyaring hindi maganda. Sana maayos lang nilang kausapin si Ryle.
Nag-usap din kami ni Ryle bago kami humarap kina Mommy and Daddy.
When the doorbell finally rang, I felt a jolt of panic. I took a deep breath, trying to compose myself.
"Calm down, Felianna. Wala kang dapat ikakaba," I murmured, as I walked to the door and opened it.
Bumungad sa akin si Ryle. Nakangiti siya sa akin, kalmado ang mukha. Nakaayos at mabango pa. He's wearing a black turtle neck at nakapants. Halatang may gel din ang kanyang buhok.
Mukhang pinaghandaan niya ang araw na ito dahil sa ayos niya. Palagi naman siyang maayos pero kakaiba ngayong gabi.
"Ang guwapo mo," I said and pouted a bit.
He chukled. "Maganda ka rin."
Namula naman ang mga pisnge ko at nagkunwari pero hindi nakaligtas sa kanya.
"Pasok ka," anyaya ko.
"Good evening sa maganda kong mapapangasawa. Super bango naman," sabi niya atsaka inamoy pa ako bago siya pumasok sa loob.
Inamoy-amoy ako ni Ryle, may tunog pa.
"Baka maadik ka diyan," biro ko.
"Matagal na akong adik...sa‘yo..." he whispered.
![](https://img.wattpad.com/cover/347446255-288-k953677.jpg)
YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...