Chapter 14

3.8K 31 1
                                    


Nanatili kami doon at hinintay na magtanghali. Bumili na din kami ng ibang makakain namin sa batis.

Si Ryle naman hindi na nagsawa na kuhanan ako ng litrato kahit na hindi pa naman ako ready pero hinayaan ko na lang siya. May mga pictures and video din kaming dalawa. Ayaw ko man pero pinagbigyan ko siya.

Ang hirap niyang tanggihan.
Nagulat ako nung pinakialaman ko ang kanyang phone pero may permiso niya. Puro pictures ko kasi ang nasa gallery niya. Mga stolen shots. Iba't-ibang angle ang mga iyon. May mga videos din  na hindi ko alam.

May sariling album ang mga pictures ko gano'n din sa kanya at may sarili din ‘yong magkasama kaming dalawa.  Ang organize niya. Ang linis ng gallery. Puro mukha ko.

Lock screen niya mukha ko. Stolen lang iyon. Halatang nasa building siya na hindi ko alam kung saan. Tapos ako nasa ibaba. Nakangiti ako doon sa picture kahit hindi gaanong kita ang mukha. Ang wallpaper niya ay kaming dalawa habang nakasuot nung terno na may bunny.

Napatingin ako kay Ryle na nakatayo at nakatingin sa kung saan. Palihim ko siyang kinuhanan ng litrato. I giggled.

"Tara na sa batis! Pawisan na ako!" sabi ni Jaja na pinupunasan ang sarili.

"Paano ka hindi magiging pawisan. E, naghabulan kayo. Gaga," I said and rolled my eyes.

"Oo na, tara na." Anyaya niya.

Inayos na namin ang mga gamit. Bumili din muna ulit ng food.

Binuhat ulit ako ni Ryle pababa kahit na madali naman na. Umangal ako pero ayaw niya magpatalo kaya hayon siya ang winner.

Nilakaran namin ang isang liblib na lugar na puro puno ang makikita mo sa magkabilang gilid. Doon sa dulo ay nakarating kami sa isang batis.

Walang katao-tao kaya naman solo namin ang buong batis. Agad silang naghubad ng mga damit pagkatapos ibaba ang mga dala atsaka lumusong sa tubig. Natalsikan pa ako ng tumalon sila. May suot naman sina Divina pang-ilalim, pero ang boys topless talaga.

Lumingon ako kay Ryle. Napanganga ako ng makita ang kanyang hubad na katawan.

Iyan na naman ang malikot kung utak na kung saan-saan na naman naglalayag at kung ano-anong iniisip.

Shit, bakit kasi may abs itong si Ryle? Ang sarap tuloy haplusin. Mabuti na lamang ako lamang ang nakakahawak sa abs niya.

"Eyes up, baby," he chukled. Namula ako sa hiya.

Lumapit siya sa akin at kinuha ang isang kamay ko. Dinala niya iyon sa kanyang tiyan habang nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko makayanan kaya bumaba ang tingin ko sa kanyang  abs kung saan inihahaplos ang kamay ko doon.

"Maliligo tayo, Maria. Baka kung ano pa ang magawa natin."

Napaiwas ako ng tingin at binawi ang aking kamay. Baka nga kung ano pa talaga ang magawa naming dalawa kaya kailangang mag-ingat.

Hinubad ko na ang shirt na suot ko. Nahulog ang kanyang tingin doon. May pinang-ilalim akong bikini pero pang-itaas lamang.

"Damn those boobs. Mas lumalaki," he smirked.

"Paanong hindi lalaki. Nilalamas mo," sabi ko. Humalakhak siya.

"Nasarapan ka naman habang nilalamas ko?"

He licked his lips. Umangat din iyon. Napahawak ako sa aking bibig at ngumisi din. Lumapit ako sa kanya.

"Sinong hindi masasarapan sa lamas mo, Ryle?" I asked while smirking. I saw his adams apple gulped. I chuckled. Tinalikuran ko na siya.

Lumusong ako sa tubig. Sinabuyan naman nila agad ako hanggang sa naglaro na kami habang nasa tubig.

"Hindi kami mabilis lumangoy!" sabi ni Jaja.

The Story of UsWhere stories live. Discover now