Chapter 21

3.5K 39 1
                                    


"Kawawa si Ryle, Felianna. Maawa ka naman!" sabi ni Divina sa akin. Gigil ang kanyang mukha.

Hindi ko kasi pinapansin si Ryle ilang araw na. Iniiwasan ko siya at sinasadya kong huwag magtagpo ang landas naming dalawa.

Natutuwa din ako sa sarili kong nagawa ko ang bagay na iyon? Kaya ko palang gawin ang akala kong hindi ko magagawa.

"Hayaan ninyo siya," sabi ko sa kanila.

"Felianna, ano ba kasi ang nangyari? Anong problema at gano'n na lamang nangyari? Bigla mo na lamang iniwasan si Ryle," si Jaja.

"Kung makikita mo lamang ang mukha niya maaawa ka. Kausapin mo na kaya? Ayusin ninyo ang problema ninyo hindi iyong ganyan," sabi naman ni Lily.

Parang wala akong naririnig sa mga sinasabi nila. Nagbingibingihan ako dahil ayaw kong may marinig na kahit na ano kay Ryle ngayon.

"Nakakainis ka. Bahala ka kung ganyan ka. Kung ayaw mo talagang kausapin si Ryle. Huwag ka lang magsisi," inis na sabi ni Divina at narinig ko ang kanyang yabag paalis.

"Ayusin ninyo ang problema ninyo," sabi naman ni Jaja.

Umalis na sila isa-isa hanggang ako na lamang ang natiro dito sa library. Mabuti na lamang at wala dito ang nagbabantay kaya walang naninita sa amin ngayon. Nasa dulo din kami  kaya hindi nalalaman ang aming kaingayan. Sabay-sabay kaming nagtungo dito pero bukambibig nila si Ryle magdamag kaya nainis ako.

I sighed. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko...pero kasi ayokong masaktan lalo na at mas lumalalim pa ang nararamdaman ko para kay Ryle. Hindi ko kayang masira ang relasyon na mayroon kaming dalawa ngayon. Ginagawa ko lang naman ito kasi gusto kong makapag-isip ng maayos.

Masyadong magulo ang utak ko kaya ayaw ko munang kausapin at makita si Ryle. Hindi din nagiging maganda ang nararamdaman ko para kay Chanda. Masyado siyang nagiging dikit kay Ryle. Hindi ko na gusto iyon.

Gusto kong iwasan ito ni Ryle pero hindi naman puwede lalo na at partner sila sa kanilang mga projects na gagawin.  Marami din akong naririnig na usapan about sa kanila dahil madalas daw magkasama kaya mas lalo akong nawawalan ng gana.

"Nandito ka lang pala."

Napatingin ako kay Acel. Maliit siyang nakangiti sa akin ng ibaba ang isang juice sa harapan ko at turon.

"Para sa‘yo. Sabi ng mga kaibigan mo hindi ka daw kumain," sabi niya.

"Thank you..." maliit na sabi ko.

Kilala din nina Divina si Acel. Bago ko ipakilala sa kanila ay  kilala na nila dahil minsan na daw nilang nakita si Acel at nakausap. Mabait si Acel sa mga kaibigan ko, hindi lamang sa akin kaya close niya na din ang mga ito. I'm happy with that. Wala namang problema sa akin.

Wala din namang masamang ginagawa si Acel. He's really gentle to me. Naging close din kaming dalawa lalo, nakilala ko pa siya. Masaya din ako tuwing kasama siya. I consider him as one of my friend.

"Hindi ka na naman okay ngayon. Ano bang problema?" he asked gently. Umupo siya sa kabila. Katapat ko.

"I'm okay, Acel. Salamat sa pagtatanong," sagot ko at kinain ang kanyang dala.

Sinuri niya ang aking mukha. He sighed. "Hindi ka okay. Kung may problema ka puwede ka namang magsabi sa akin. Makikinig ako."

May tiwala ako kay Acel pero hindi pa  talaga sobrang laki. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya ang ibang mga bagay na nararapat lamang na sa akin na lamang muna. Hindi sa ayaw kong magsabi sa kanya, gusto kong sarilihin na muna.

"I'm fine, Acel," sagot ko na lamang at tahimik na kumain.

He nodded. "Basta magsabi ka lang sa akin."

The Story of UsWhere stories live. Discover now