"Acel," I called him.Napaangat ng tingin si Acel sa akin. Napansin ko kaagad ang nangingitim sa ilalim ng kanyang mga mata. Bakas ang pagod sa mukha niya. He smiled at me weakly.
"Thank you, Felianna. Salamat dahil pinayagan mo akong makausap ka. Sorry sa naging abala lalo na at gabi pa," he said.
I smiled. "Wala naman problema sa akin. Kumusta ka? Ramdam kong hindi ka okay. Puwede ka magsabi sa akin."
Tumabi ako sa kanya. Dahil gabi na kaya malamig, pero nakasuot naman ako ng jacket.
"Felianna, ayaw ko ng patagalin pa. Pero gusto kong malaman mo na gustong-gusto kita. I mean, mahal na mahal kita Felianna. Nahulog ako sa iyo habang sinusundan ko ang babaeng mahal ko," amin niya.
Hindi na ako nagulat dahil expected ko na sasabihin niya iyon.
"I'm inlove with you, Felianna."
"Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin?" I asked.
"May bantay ka, e. Ang hirap niyang salisihan."
Alam kong si Ryle ang kanyang tinutukoy.
"Nung araw na aamin ako sa iyo. Nalaman niya. Hayon, suntok ang naabot ko. Pero nagtry pa din ako kasi wala naman kayo. Kumbaga may the best man win. Kaso iba talaga ang lalaking iyon. Ang kanya, kanya." Iling niya.
I sighed. "Pero, Acel. Alam mo bang buntis si Chanda?"
He smiled painfully. "Hindi ko naman ginusto iyon, Felianna. I was drunk. Lasing ako. Kinuha niya ang pagkakataon na iyon para may mangyari sa aming dalawa."
Natigilan ako sa narinig. Hindi tama iyon. Puwedeng i-consider na r*pe ang bagay na iyon.
"Masaya sana ako Felianna kung siya pa ang mahal ko. Pero hindi dahil ikaw ang laman ng puso ko. Pero mukhang wala ng pag-asa kahit na wala pa akong ginagawa," he chuckled without humor.
"Acel..."
"Ayos lang, Felianna. Tanggap ko naman. Pero ang daya lang dahil hindi man lang siya lumaban ng patas."
"Hindi ko alam ang sasabihin ko, Acel. Pero, gusto kong malaman mo na alagaan mo si Chanda. First love never dies. Alam kong siya pa din ang mahal mo. Naguguluhan ka lang dahil narito ako," mahinahong sabi ko.
He looked at me. Namumungay ang kanyang mga mata. "Sana nga gano'n, Felianna ‘no? Kaso hindi, e. Nasasaktan talaga ako. ‘Yong nararamdaman ko kay Chanda noon, ibang-iba sa nararamdaman ko ngayon. May mga bagay na hindi ko nararamdaman sa kanya noon. Pero pagdating sa iyo. Ibang-iba."
Napakagat labi ako. Sinabi na sa akin ni Ryle ito pero hindi ko akalain na ganito na pala kalalim ang kanyang nararamdaman para sa akin. At ang hirap dahil ramdam ko ang sakit sa bawat salitang binibitawan niya.
"Mahal na mahal talaga kita, Felianna. Inisip ko na din na agawin kita kay Ryle pero hindi ko naman magawa dahil alam kong hindi tama..." he said.
"Acel, alam kong naguguluhan ka lamang. Mas kailangan ka ni Chanda ngayon."
He chukled painfully. "Tinataboy niya ako, Felianna. Kahit ginagawa ko naman ang makakaya ko, pinapaalis niya ako."
"Kasi hindi niya nararamdaman na genuine ang ginagawa mo kaya siguro gano'n. Mahal mo pa din siya, Acel. Huwag ka lang maguluhan. Gawin mo ang lahat para sa kanya. For sure hindi ka niya itataboy kapag nalaman niyang totoo ka sa kanya. ‘Yong pag-aalaga at pagmamahal mo," I suggested.
"Hindi gano'n kadali, Felianna. Mahirap."
I smiled a bit. "Para sa anak ninyo, Acel. Isipin mo na lamang ang anak ninyo. Hahayaan mo bang lumaki ito ng walang ama? Hahayaan mo bang isipin niyang hindi mo siya mahal?"
YOU ARE READING
The Story of Us
Storie d'amoreSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...