Kilig na kilig sila sa sinabi ko. Hinampas pa ako sa balikat ng ilang beses."Hala, magseseryoso na siya!" they teased.
Namula na lamang ako atsaka napapairap. So, big deal na iyon sa kanila? Isa pa seryoso naman ako kay Ryle.
Siya lang naman ang napansin ko sa dami ng mga lalaking nagkakandarap sa akin at gusto akong angkinin. Kaso itong transferreng si Ryle lang pala ang magpapatiklop sa akin.
"Go mo na iyan! Push mo na! Support naman kami at bagay naman talaga kayo ni Ryle," ngiti ni Jaja.
Hindi na nila ako tinigilan hanggang sa makalabas kami ng classroom. Sila pa itong mas natutuwa at kinikilig kaysa sa akin.
"Bakit mo naisipan bigla?" Divina asked. Sinuri niya ako.
I shrugged my shoulders and put my bag on the chair beside me.
"Naisip ko lang. Hindi ko alam pero gusto ko seryosohan na talaga."
Nahampas na naman ako ni Divina sa braso na siyang katabi ko lamang.
"Kinikilig ako sa inyo! Oh ghosh! Hindi ko akalain na magseseryoso ka na hah!" sabi niya.
Hindi ko din akalain. Pero iyon ang gusto ko. Gusto ko na ng seryoso kay Ryle.
"Hindi ko na kayang hanggang ganito na lamang kami. Gusto ko may karapatan na talaga ako. Na realize ko kasi na ang hirap kapag walang label," sabi ko.
Umiling siya. "Ang sabihin mo ay nahulog ka talaga kay Ryle. Ang dami pang sinasabi."
"Well, totoo naman iyon. Nahulog naman talaga ako sa kanya," sagot ko.
At ang hirap ng makaahon dahil mas lumalalim ang pagtingin ko para sa kanya.
"Biruin mo iyon hah. Ikaw ang nang gulo sa buhay ni Ryle. Ikaw ang nag-aya sa set up na mayroon kayo ngayon tapos ikaw din ang tatapos. Nako nako Flianna na aming friend. Masyado mo na atang ginugulo ang buhay ni Ryle." Napanguso ako sa sinabi ni Jaja.
"Grabe ka naman sa ginugulo. Ginusto niya din naman na maging fling kaming dalawa. Suwerte nga siya inaya ko." I chuckled.
Tandang-tanda ko pa iyon. Para sa akin isang kahihiyang ang bagay na sinabi ko kay Ryle noon. Nakuha niya kasi talaga ang atensyon ko, e. Hindi ko naman akalain na papayag siya sa nais ko.
"Tapos ngayon ikaw din ang talo kasi nahulog ka. Hay, kawawa ka kapag hindi ka nagustuhan ni Ryle." Iling niya.
Ngumuso ako. Akmang magsasalita ng maunahan ni Lily. "Huwag kang nega. Kaya nga papahulugin niya si Ryle sa kanya ng hindi nito nalalaman."
I smiled. Tumikhim si Jaja. "Sabagay. Oh, ano na ba ang plano mo? May kailangan ba kaming itulong?"
They are really supportive to those things that I want, at ngayon suportado pa din ako pagdating kay Ryle dahil alam niyang seryoso talaga ako.
Umiling ako. "Wala naman. Magsasabi ako kung kailangan ko ng tulong. For now, ako na muna. Pupunta ako mamaya sa apartment niya," sabi ko.
They nodded. "Tutulungan ka naming magpalusot sa parents mo para naman may maumpisahan mo na," sabi ni Divina.
Malawak akong napangiti.
"Thank you sa inyo!" Ngiting sabi ko. Inirapan ako ni Divina.
"Tutulong ka namin kasi gusto din namin kayong magkatuluyan talaga kaya gawin mo lahat. Landiin mo ng husay," udyok ni Lily.
"Bumukaka ka na din ng malaki," si Jaja.
Napahalakhak na lamang kami sa sinabi niya. Bulgar.
"Mas maganda kung ako siguro ang luluhod," I suggested.
YOU ARE READING
The Story of Us
RomanceSollano Brothers parents story. Maria Felianna Escudero, a fearless woman, campus crush, and the top student in her school. Everybody admires her, and she enjoys her life. But things take a turn when she meets Ryle Yieler Sollano, a mysterious guy...