THE WEDDING

3.6K 18 6
                                    

"You may now kiss the Bride."
Wika ng Pari na nagkasal kay Kianna Delos Reyes at Dwayne Ramos.

Hinila ng marahas ni Dwayne ang Asawa na niya ngayon na si Kianna.

"Ito na ang simula ng kalbaryo mo, Wife."
Sarkastikong bulong ni Dwayne sa Asawang si Kianna.

Biglang nakaramdam ng kilabot ang Dalaga sa binitiwang salita ni Dwayne dahil alam niya ang kakayahan nito.

Kung sana lamang ay maibabalik ang Gabi na iyon, hindi niya gugustuhin na mawala ang kaniyang Kambal.

Kaya ngayon ay kailangang tanggapin ng Dalaga ang lahat ng Galit at Poot ng kaniyang Pamilya maging ni Dwayne.

Isang Linggo pa lamang ang nakakalipas ng ilibing ang kaniyang Kambal.

Halos wala pa siyang panahon na magluksa dahil napakabilis ng mga pangyayari.

Matapos mailibing ng kaniyang Kambal ay kinausap na ni Dwayne ang Pamilya ni Kianna na nais nitong siya na ang pakakasalan nito.

"Happy? Akala mo hindi ko alam kung gaano mo kagusto na maagaw sa Kambal mo, Kianna? Wala kang Puso!
Sinadya mo na mawala ang Kambal mo para mapasaiyo ako!"
Galit na parating ni Dwayne kay Kianna.

"Hindi totoo iyan! Hindi ko ginusto na mawala ang Kambal ko! Walang may gusto na mamatayan, Dwayne! Hinila ko siya pero Siya ang napuruhan."
Hagulgol ni Kianna.

"Let's stop this nonsense. Next week na ang Kasal natin, naiayos ko na ang lahat. Doon pa lamang magsisimula ang paghihiganti ko, Kianna! I'll make sure that you'll be living in Hell!"
Galit pa rin na sigaw ni sakaniya ni Dwayne.

Halos wala pa ding maayos na pahinga ang Dalaga simula ng Araw na maaksidente Sila ng kaniyang Kambal.

Hindi na Siya pinalabas ng kaniyang mga Magulang, binayaran ng mga ito ang Konrata niya sa Management kaya nawala na Siya sa pagiging Volleyball Player ng Bansa.

Nasaktan siya ng malaman niya iyon, lahat na lamang ay nawala na sakaniya.

Nasa isang Bahay lamang Sila ngunit wala silang kibuan ng kaniyang mga Magulang, miss na niya ang mga ito.

Ni hindi man lamang Siya binigyan ng mga ito na makapag paliwanag, maging ang mga Kaibigan nila ng kaniyang Kambal ay natakot na Sabihin ang totoo na walang kasalanan ang Dalaga.

"Walang gustong tumestigo sa mga Kaibigan mo, lahat Sila ay pinatahimik ko. Kaya kung hindi ka papayag na pakasalan ako ay may isa ka pang Option."
Ngisi ni Dwayne kay Kianna.

"Ano pa ang Option na iyon?"
Tanong ni Kianna.

"Ang makulong ka at pagdusahan doon ang kasalanan mo pero hindi pwede dahil masyadong madali iyon para saiyo."
Ngisi pa rin ni Dwayne.

"Please naman. Huwag namang ganito."
Pakiusap ni Kianna.

"Diba ito naman ang gusto mo?
Hindi bagay saiyo mag-inarte.
Stop pretending!"
Galit na pinisil pa ni Dwayne ang braso ng Dalaga.

Wala ng Luha ang pumapatak sa mga Mata ng Dalaga dahil nasanay na siya sa mga Galit ng Binata.

Marahil ay deserve niya ang lahat ng Galit ng mga Tao sa kaniya. Marahil nga ay wala na Siyang karapatan na umangal pa at tanggapin na lamang na Siya ang may kasalanan.

If only you are here, Kambal ko.
I miss you so much.
In time, matatapos din ang lahat at lalabas ang totoo.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now