IT FEELS SO GOOD

1.1K 8 7
                                    

Dalawang Araw na mula ng matapos ang Operation ni Kianna at paunti-unti ay bumalik na ang kaniyang lakas. Sobra din ang pasasalamat nito kay Ricky at Daisy dahil nasa Oras ang kaniyang Pagkain at pag-inom ng mga Gamot. Ang Dalawa na rin nag-lilinis at naglalaba pansamantala.

Nahihiya man si Kianna ngunit malaking tulong talaga ang naging Papel ng mag Nobyo sakaniya.

Gigising Siya na malinis na ang buong bahay at may Pagkain na rin, tanging pahinga lamang ang nagagawa ni Kianna dahil hindi siya pinapakilos ni Ricky at Daisy.

Nasa hapag kainan Sila Ngayon at masayang kumakain.

"Ate, alam na ba ng Parents mo ang naging Operation mo?"
Tanong ni Ricky.

"Hindi, Ricks. Wala akong balak na ipaalam dahil mag-alala lamang Sila."
Tugon ni Kianna.

"Bakit sobrang bait mo, Ate?"
Singit ni Daisy.

"Hindi ako mabait kaya nga Galit Silang lahat saakin eh. Feeling ko nga mas hiniling pa nila na sana ako na lamang ang namatay."
Ngiti ni Kianna.

"Ate!!! Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Bulag at Bingi lamang Sila ngayon. Lalabas rin ang katotohanan."
Seryosong saad ni Ricky.

"True, kaya Ate magpalakas ka pa ha?"
Payo ni Daisy.

Tumango na lamang si Kianna upang hindi na humaba pa ang kanilang usapan.

"Ate, we need to go home. May flight kami bukas ng umaga for our Anniversary."
Imporma ni Ricky.

"Sure, no worries. Happy Anniversary sainyo, keep the fire burning."
Bati ni Kianna.

"Sumama ka na lamang kaya saamin, Ate?"
Pag-aya ni Daisy.

"Kaya nga Ate, para maiba naman ang Ambiance mo."
Singi ni Ricky.

"No need at baka magalit na naman ang Kuya mo kung iiwan ko ang Bahay at Opisina."
Tugon ni Kianna.

Nang natapos na Silang Kumain at niligpit ni Ricky at Daisy ang kanilang mga kalat at nagpaalam na muna ang mga ito na uuwi sa Condo nila.

"Mag-iingat kayo at thank you so much sa pag-alalay saakin."
Pasasalamat ni Kianna.

Pagka-alis ni Ricky at Daisy ay may bigla na namang nag door bell at Akala ni Kianna ay may nakalimutan ang mag Nobyo.

Ang Mommy Ley at Daddy Dave ni Dwayne!

"Pasok po kayo, Mom and Dad. Kumain na po kayo?"
Bati ni Kianna at magbe-bless sana sa mag-asawa ng iiwas ng mga ito ang pagbless niya.

"Wala po ngayon si Dwayne, nasa Business Meeting po kahapon pa."
Imporma ni Kianna.

"You are so pathetic! Mamamatay tao ka!"
Hiyaw ni Mommy Ley ni Dwayne.

Sinampal ng malakas si Kianna ng Mommy ni Dwayne.

Kahit naman noon pa ay Boto na ang Pamilya ni Dwayne kay Kevianah. Kaya nga mamatay ang kaniyang Kambal ay nagluksa din kasama ang Pamilya ni Dwayne.

Hinila hila pa ng Mommy ni Dwayne ang Buhok ni Kianna.

"Ta--ma n-a po, Mom."
Pakiusap ni Kianna.

"Huwag na huwag mo akong tatawagin na Mommy!"
Galit na hiyaw ni Mommy Ley.

Natigil lamang ang Mommy Ley ni Dwayne ng humiyaw na sa Sakit si Kianna.

"You deserve all the thing that's happening right now."
Ngisi ni Daddy Leonardo na Ama naman ni Dwayne.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now