HOTEL MENDI

1.4K 8 0
                                    

Simula ng huling may nangyari sa mag-asawang Kianna at Dwayne ay hindi na muling nakita ng Babae ang kaniyang Asawa. Nasa Dalawang Araw na ng huling nakita nito si Dwayne, kaya naman lahat ng Pagkain ay nasayang lamang. Pinapakain na lamang ng Babae sa mga Aso.

Maaga ng isang Oras si Kianna kesa sa Oras ng pasok niya, mayroon daw Silang aayusin at dahil may Okasyon daw sa Araw na ito.

Hindi na nag-abala pa si Kianna na tanungin kung anong Okasyon, minabuti na lamang niya na tumulong sa paglilinis ng Rooftop ng Hotel.

Sa isip ni Kianna ay baka may Guest Sila na nais mag propose dahil mayroong Event Stylist.

Napakaganda ng Lugar, Gabi pa ang Event kaya naman bumalik na muna si Kianna sakaniyang Trabaho.

Narinig naman nito ang usapan ng mga kasamahan niya sa kanilang Pantry.

"Grabe iyong surprise para kay Ma'am Bea, ano? Ang bongga!"
Puri ni Kitty, kasamahan niya din na Janitress.

"Ay sinabi mo pa, Kitty!"
Tango ni Madam Rosario.

"Natutuwa iyon si Ma'am Bea dahil ilang Linggo na Siyang nagluluksa sa pagkamatay ng Parents nila ni Sir Gerald."
Wika ni Leila, kasamahan din niya sa Trabaho.

Wala silang binabanggit na pangalan ng Lalaki na mag su-surprise para kay Ma'am Bea kaya inisip na lamang niya na baka may Boyfriend ito.

Nang sumapit ang Gabi ay naroon na ang lahat sa Rooftop, kasama ni Kianna ang mga Waiter na magse-serve sa mga Bisita.

Nakapatay ang lahat ng ilaw kaya hindi makita ni Kianna kung sino ang Lalaki na mag su-surprise kay Ma'am Bea.

Maya-maya pa ay narinig na nila ang paglapag ng Chopper at biglang bumukas ang mga ilaw.

Nagpalakpakan ang lahat at pamilyar kay Kianna ang boses ng Lalaki.

Ang kaniyang Asawa!

Si Dwayne!

Biglang nanginig ang mga Tuhod ni Kianna dahil sa kaba na nararamdaman.

Natatakot Siya sa mga mangyayari!

Napalingon pa si Kianna ng magsalita sa likod niya si Mrs. Ramos.

"Bagay na bagay talaga Sila ng Anak ko!"
Parinig ni Mrs. Ramos na ang tinutukoy ay si Ma'am Bea at Dwayne.

Minabuti ni Kianna na mag c.r na muna dahil parang bibigay ang kaniyang Katawan.

Ang sakit sakit, Dwayne!

Bakit umabot tayo sa ganito?

Pakawalan mo na lamang ako kung ganito lamang din ang gagawin mo!

Paiyak na sana si Kianna ng pumasok sa C.r si Mrs. Ramos.

"Masakit? May mas sasakit pa sa mga susunod na Araw, Kianna."
Ngisi ni Mrs. Ramos.

Hindi na lamang ito pinansin ni Kianna at bumalik na sa Rooftop. Sakto naman na ang Asawang si Dwayne ang nagsasalita.

"My Bea-tiful, will you be my Girlfriend?"
Rinig ni Kianna na tanong ni Dwayne kay Ma'am Bea.

"Grabe! Super bagay Sila!"
Ani ni Kitty.

"Fan na ako ng Team DwayEA"
Kinikilig na sambit ni Leila.

"Yes, Dwayne!"
Tugon naman ni Ma'am Bea sa tanong ni Dwayne sakaniya.

Mamaya na lamang hahagulgol si Kianna bulong niya sa isip, kailangan niyang magtrabaho.

Ayaw niya na may makahalata sa mga Kasamahan niya sa nararamdaman niya.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now