IN PAIN

1.1K 7 2
                                    

Matapos ang kanilang Kasal ay nauna na umuwi si Kianna sa kanilang Bahay na titirahan ng kaniyang Asawa na si Dwayne. Sinabihan na siya nito kung saan ang Address at wala itong kukuhain na Katulong. Aakuin ng Dalaga ang lahat ng Gawain bilang Asawa kuno ni Dwayne.

Kumain na muna ang Dalaga dahil wala pang lamang ang Tiyan nito simula pa kagabi. Nagsama na Ang puyat, pagod at gutom kaya naman mabilis niyang naubos ang Tinapay at Kape na nabili niya sa Daan.

Bakit nga ba Siya gutom?

Wala ba namang Reception, as in Kasal lamang sa Simbahan ang kanilang ginawa. Tanging mga Magulang lamang nila ang naroon wala ng iba.

Again, mas mainam na iyon upang wala ng iba pang makakita at makaalam ng ginagawa sa kaniya ng kaniyang Pamilya maging si Dwayne.

Minabuti na ng Dalaga na maglinis ng paligid at magluto ng makakain ng kaniyang Asawa. Nagbilin kasi ito na uuwi daw at ayaw nito ng marumi ang Bahay at walang makakain.

Natakam si Kianna sa mga Pagkain na nasa Ref ni Dwayne pero hindi sia pwedeng tumikim maliban na lamang kung lalasahan niya para sa timpla.

Nalungkot muli ang Dalaga ng maalala ang mga Rules ni Dwayne sa Bahay nila.

Rules with Signature

1. No Maids

2. Sa Maid Quarter ka matutulog

3. Bumili ka ng Sarili mong Pagkain

4. Gusto ko malinis ang Bahay

5. Gusto ko may Pagkain na nakaluto sa pag-uwi ko.

6. Ayaw ko ng malandi

7. No Visitors allowed

8. May Punishment sa paglabag ng mga Rules ko

9. Maglaba ka ng maayos at plantsahin mo ang mga Suit ko

10. Aangkinin kita sa Araw at Oras na gusto ko

Akala ng Dalaga ay si Lord lamang ang may Sampung Utos eh, pero ayos na rin iyun para alam ng Dalaga kung saan Siya lulugar.

Bukas pa nito balak mag Grocery para sa Stocks niya dahil nagmadali lamang Siya umuwi baka kasi mauna pa ang Asawa niya umuwi ng Bahay nila, magagalit na naman sakaniya.

Nang matapos ang Dalaga maglinis at magluto ay pumunta na Siya sa magiging Kwarto niya.

Nalungkot na naman siya dahil mas maayos pa ang Kwarto ng Katulong sa Mansion nila kesa dito.

Hindi man lamang sinabi ni Dwayne na Stock Room pala ito hindi Maid's Quarter.

Nilinis niya at tanging Karton lamang ang higaan niya ngayong Gabi, bukas ay bibili na lamang Siya ng mga gamit sa kaniyang Kwarto upang maging Komportable naman siya.

Tatayo sana ang Dalaga ng marinig ang Kotse ng Asawa na dumating ngunit bigla siyang nawalan ng balanse at matumba.

Napahiyaw ang Dalaga dahil tumama ang kaniyang Likod sa Kanto ng Lamesa na naroon sa loob ng Stock Room. May Dugo na nakita ang Dalaga kaya bigla Siyang nanginig, naalala niya ang kaniyang Kambal noong nabundol Sila ng Kotse.

Iyak na ng iyak si Kianna hanggang sa nahirapan siyang huminga, sakto namang nagbukas ang Pintuan.

"Ang tanga mo naman! Tumayo ka nga diyan, ipaghain mo ako!"
Sigaw ng kaniyang Asawa na si Dwayne.

Hirap man sa pagtayo ang Dalaga ay pilit itong gumapang upang may makapitan sa pagtayo.

Hindi na muna niya inasikaso ang kaniyang sugat, naghain na Siya ng Pagkain ng Binata.

Hindi man lamang Siya inalok nito at sinabihan pa siyang ipakain sa mga Aso nito ang natirang Kanin at Ulam.

Nanghihinayang man at sinunod na lamang ng Dalaga upang hindi ito magalit.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now