GAINING HER TRUST

1K 10 5
                                    

Desidido si Dwayne makuha ulit ang tiwala ng Asawa nitong si Kianna sa kabila ng lahat ng nangyari sa Buhay nila. Hindi ito makakapayag na muling umalis sa Buhay niya ang Asawa lalo na ang kanilang Anak na si Dwight. Namangha pa si Dwayne ng mapag-alaman nitong mayroon ng sariling Buhay ang Asawa dito sa Vigan.

Matapos ng isang linggo ay umalis na ang mga Magulang ni Kianna at ang mag Nobyo na si Gerald at Maicy.

Pinili ni Dwyane na manatili sa Private Resort ng kaniyang Asawa sa piling nito at ng kaniyang Anak.

Hindi pa rin Siya kinakausap muli ng Asawang si Kianna, tanging Anak lamang nila ang pinapansin nito.

Naging abala rin kasi ang kaniyang Asawa na si Kianna sa Negosyo nito.
Kaya madalas ay naiiwan lamang sa Bahay si Dwayne at ang Anak nila.

Gusto rin naman iyon ng Lalaki dahil nararanasan niya ang Obligasyon niya bilang Ama at Asawa ni Kianna.

Ang Lalaki na rin ang nag-lilinis ng Bahay at nagluluto, masaya ito sa tuwing nakakasabay nito ang Asawa niyang Babae sa hapag kainan.

"Anong Errands mo for today?"
Tanong ni Dwayne sa Asawang si Kianna habang kumakain Sila.

"Live selling lamang ako the whole day."
Tugon ni Kianna.

"Can I help?"
Tanong ni Dwayne.

"Sure, kailangan ko ng Mukha para s a Live Selling ko later. Para sa mga Beauty Products."
Wika ni Kianna.

Napangiti na lamang si Dwayne dahil ngayon pa lamang niya nakausap muli ang Asawa niya.

Kaya naman lahat ay kaniyang gagawin para maging maayos na Sila.

"Tulog na si Dwight, can we start?"
Tanong ni Kianna.

"Sure!" Ngiti ni Dwayne.

Nagsimula na ang Live Selling na magkatabi ang Dalawa, parang teenager si Dwayne na kinikilig sa pagkakalapit nila ng kaniyang Asawa.

Si Dwayne ang naging Model ni Kianna sa mga Lips stick, Lip Balm, Blush on at iba pang mga Beauty Products.

Seryoso ang Mukha ni Dwayne ng biglang tumawa ng malakas ang Asawa niyang si Kianna.

"Why?" Tanong ni Dwayne habang dumidilat ito.

"My followers are asking if you are okay. Nang tingnan kita natawa ako sa itsura mo kasi seryoso ka pa." Halakhak ni Kianna.

Kaya napatawa na rin si Dwayne dahil nakita niya nag kaniyang Mukha sa Salamin.

"Okay guy's. Kalma kayo ha?
He is Dwayne, My husband."
Paliwanag ni Kianna sa mga Followers niya.

Bigla namang niyakap ni Dwayne si Kianna sa narinig, ngayon lamang niya ulit narinig na sinabi nitong Asawa Siya nito.

"I love you, Wife!"
Halik ni Dwayne sa Labi ng Asawang si Kianna.

"Hey, baka ma ban ako sa paghalik mo."
Natatawang pigil ni Kianna sa Asawang si Dwayne.

Natawa naman si Dwayne sa mga nabasa na Comments.

- Tamis! from Melanie.

- Aww. Reconcilation naaa!
From Ma'am Bea.

- Keep the fire burning, love birds!
From Gerald.

- Wow! Online kilig!
From Maicy.

"Ang gagaling po! Kayo kayo din ang andiyan sa Comment Section ko ha!"
Halakhak ni Kianna sa mga Kaibigan niya.

"Thank you for accepting me again.
I love you!"
Wika ni Dwayne.

"I love you too!"
Wika naman ni Kianna.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now