Nagising si Kianna na nasa Verenada na ang kaniyang Asawa at nagkakape. Ito ang unang beses na nauna magising sakaniya ang Asawa. Derecho na Siya sa Kusina para magluto kahit na masakit pa ang kaniyang pagkababae dahil sa marahas na pag angkin sakaniya kagabi.
"Labahan mo ang Bedsheet sa Kubo."
Utos ni Dwayne."Morning, I will. Tapusin ko lamang itong niluluto ko."
Tugon ni Kianna sa Asawa.Pinigilan na naman ni Kianna ang umiyak dahil parang nandidiri si Dwayne sakaniya.
Minabuti na lamang niya na tapusin ang pagluluto at naghain na ng makakain ng kaniyang Asawa.
"May kailangan ka pa ba? Kukunin ko na muna ang mga labahan sa Kubo."
Paalam ni Kianna.Hindi sumagot si Dwayne kaya naman
umalis na si Kianna papunta sa Kubo.Pagbukas ng ilaw ni Kianna sa Kubo ay nakita ni agad ang mga Dugo na nagkalat sa Kama.
Bakas na wala na ang kaniyang pagkabirhen.
Sinigurado ni Kianna na wala ng naiwan na kalat sa Kubo at sinalang na niya sa Automatic Washing Machine ang mga labahan.
Binalikan niya ang pinagkainan ng kaniyang Asawa at nilinis na iyon, napansin niya na walang natira sa mga hinanda niyang Pagkain.
Naligo na muna si Kianna dahil baka mahuli Siya sa unang Araw niya sa Hotel nila Bea.
"Bilisan mo ang kilos mo! Ayaw ko mapahiya kay Bea, huwag lang gumawa ng katangahan doon!
Ayaw ko ng maiiwan at maabutan ko na makalat ang Bahay, siguraduhin mo na may Pagkain kapag umuwi ako."
Utos ni Dwyane."Yes Dwayne, I'll keep that in mind."
Tugon ni Kianna.Tinupi na muna ni Kianna ang mga labahan na natapos niya at nilagay sa mga lagayan.
Nauna umalis si Dwayne kaya naman nakapaglinis pa si Kianna Bago pa siya umalis.
Nang makadating Siya sa Hotel Mendi ay nakahanda na ang kaniyang Uniform doon, color pink.
Hindi na masama dahil mukhang pang Nurse din ang Uniform niya.
Binigyan Siya ng Instruction ng Head nila kung paano at Saan ang kaniyang mga lilinisin.
"Neng, maglinis ng mabuti ha?
Ayaw ng Manager natin na dugyot ang paligid. Malilintikan tayong lahat, damay damay pa naman iyon kung magalit."
Paalala ni Madam Rosarion, para itong ang Mayordoma nila sa kanilang Mansion."Opo, Madam."
Ngiti ni Kianna."Maganda kang Bata, bakit dito ka pumasok?"
Takang tanong ni Madam Rosario."Kailangan ko po kasi ang trabaho para sa Pamilya ko."
Palusot ni Kianna."Kunsabagay, sa hirap ng Buhay Ngayon eh."
Tango ni Madam Rosario."Kaya nga po."
Tango na lamang din ni Kianna.Nagsimula na Siyang maglinis at hindi iyon madali. Nakatoka sakaniya ang buong 36th Floor at 40th Floor.
Kahit napapagod na Siya ay patuloy pa rin ang kaniyang paglilinis dahil ayaw niyang pagalitan Siya sa unang Araw niya.
Naisip niya na mas mabuti na dito siya nagtrabaho dahil may Kwarto Sila na pwedeng pagpahingahan.
Mas maaga din ang kaniyang pag-uwi hindi katulad sa Office ni Dwayne.
Ang pasok niya ay 8 AM at ang uwi niya ay 4 PM. Ayun nga lamang, patayan ang trabaho pero mas ayos na at least may pahinga Siya.
"Neng, pinapatawag ka sa Manager's Office. Naku, ayusin mo ang mga isasagot mo doon ha?"
Nag-aalalang bili ni Madam Rosario.
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNE
RomanceSi Kianna Delos Reyes o mas kilala sa bilang Kia ay isang sikat na Volleyball Player sa kaniyang Henerasyon ngunit naging Sekretarya Siya ni Dwayne Ramos dahil sa isang pangyayari na kontrolado ng Dalaga. Matagal ng may pagtingin si Kianna sa Nobyo...