UNEXPECTED

1K 7 4
                                    

Lumipas pa ang mga Araw, Linggo at Buwan na lalong lumayo ang loob ni Dwayne sa kaniyang Asawa. Wala naman magawa si Kianna dahil sa tuwing magtatanong Siya kung uuwi ba ang Asawa ay galit na Galit kaagad ito sakaniya. Halos hindi na rin pumapasok ang Babae sa Hotel Mendi.

Walang gana sa Pagkain si Kianna, sabik Siya palagi na umuwi sa Mansion nila ang kaniyang Asawa.

Naisipan ni Kianna na magpa make over sa kilalang Salon sa Metro Manila, naubos nag buong Araw niya sa pagbawi niya sakaniyang Sarili.

"Ayan, Kia! Ang ganda ganda mo na ulit. Kanina para kang Losyang kahit wala ka pang Anak!"
Palakpak ni Geneva, ang Manager ng Salon.

"Salamat. Ito tip oh."
Ngiti ni Kianna.

Ngunit habang pauwi si Kianna ay bigla niya naisip ang sinabi ni Geneva na Mukha siyang Losyang kanina kahit na wala pang Anak.

Delayed na Siya!

Every first week ng Buwan ang kaniyang Menstruation at walang palya iyon!

Ngayon ay malapit na matapos ang Buwan na ito ay wala pa rin siyang Mens!

Minabuti niya na magpunta sa Pinsan na si Doctor Leo Delos Reyes.

"Doc, delayed ako. Magpapa Laboratory sana ako para makasigurado."
Imporma ni Kianna.

"What?!! Bakit ka nagpabuntis?"
Inis na tanong ni Doctor Leo.

"Hey! Kalma, hindi pa nga tayo sigurado eh."
Kalmadong tugon ni Kianna.

"Kia naman. Doctor ako! Sa tingin ko pa lamang saiyo ay Buntis ka na talaga."
Pakiwanag ni Doctor Leo Delos Reyes.

Natapos ang Pregnancy Test at ilang mga Laboratory Test ay naging Positive lahat iyon.

"Tell it to Dwayne, bago pa kita unahan na sabihan Siya."
Seryosong saad ni Doctor Leo Delos Reyes.

"Ang Saya ko, Doc! Nawala man si Kevianah, but she made sure na mayroon akong kakampi at ang Anak ko iyon."
Masiglang wika ni Kianna.

"Kailan mo balak Sabihin kay Dwayne?"
Tanong ni Doctor Leo Delos Reyes.

"Kailangan ko ba talaga Sabihin sakaniya?"
Bulong ni Kianna.

"Oo, dahil kung may Puso siya tatanggapin niya ang Bata na iyan at aayusin niya ang Trato niya saiyo.
Pwedeng magbago Siya para saiyo at para sa Bata."
Wika ni Doctor Leo Delos Reyes.

"Oo nga ano? Baka ang Anak namin na ito ang magiging Daan para magbago na Siya."
Ngiti ni Kianna.

Umuwi na si Kianna at excited ito na tawagan ang kaniyang Asawa upang masabi niya dito na Buntis siya.

"Anak ko, chill ka lamang diyan ha?
Lakasan mo ang kapit mo, Anak."
Masayang himas ni Kinna sa maliit pa na Tiyan nito.

Nakauwi na siya at ilang beses lamang na nagri-ring ang Cellphone ni Dwayne sa kabilang Linya.

Sa huling pagtawag ni Kianna sa Numero ng kaniyang Asawa sa wakas ay sumagot din ito.

Bakit na naman?
- Dwayne.

Hi! Where are you?
- Kianna.

Andito sa Condo ko.
- Dwayne.

Can I go there? I have something to tell you.
- Kianna.

Kung tungkol sa Annulment ay andiyan sa Kwarto ko ang Papeles.
- Dwayne.

Ah. Hindi eh.
- Kianna.

Then, about what?
- Dwayne.

Gusto ko sana personal ko Sabihin kung ayos lamang.
- Kianna.

Make sure that it's important.
- Dwayne.

Oo eh. Pwede ba ako pumunta diyan bukas ng Umaga?
- Kianna.

Okay.
- Dwayne.

Masaya na ibinaba ni Kianna ang tawag dahil sa excitement.

"Anak, pasensya ka na sa Daddy mo ha? Mabait din yun."
Ngiti ni Kianna habang hinihimas ang Tiyan niya.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now