BRAIN TUMOR

1.4K 9 0
                                    

Nagising si Kianna na nasa isang Kwarto Siya sa Ospital, alam niya na agad na may Sakit siya na malala dahil sa tindi ng sakit ng kaniyang Ulo kaya Siya nawalan ng malay. Bigla siyang nakaramdam ng takot na mamatay dahil sa Anak niyang si Dwight.

"Salamat, Melanie. Maasahan ka talaga. Nasaan si Dwight?"
Mahinang wika ni Kianna.

"Nasa bahay na Siya kasama sila Inay at Itay. Kamusta ang pakiramdam mo Ma'am?"
Ngiti ni Melanie.

"Masakit pa rin ang Ulo ko pero tolerable naman. Anong finding's?"
Tanong ni Kianna.

Hindi alam ni Melanie kung paano sasabihin sa Ma'am Kianna niya ang nakita sa CT Scan. Mabuti na lamang ay bumukas ang Pinto at pumasok ang Doctor.

"Masakit pa rin ba ang Ulo mo?"
Tanong ng Doctor.

"Yes but it's tolerable. Anong finding's Doc?"
Tanong ni Kianna.

Huminga ng malalim ang Doctor kaya alam ni Kianna na malala ang naging results ng Laboratories at CT Scan niya.

"Tatapatin na kita, Mrs. Ramos.
You have a Brain Tumor."
Bulalas ng Doctor kay Kianna.

Napapikit si Kianna ng mariin dahil sa sinabi ng Doctor at biglang pitik ng Kirot sa Ulo niya pero pinilit pa rin niyang magsalita.

"And?" Tanong ni Kianna.

"You only have a 5% chance of survival."
Wika ng Doctor.

"Hindi na ba makukuha sa Surgery?"
Mahinang tanong ni Kianna.

"Mas lalo lamang magiging Komplikado ang lahat kung bubuksan pa natin ang Utak mo."
Wika muli ng Doctor.

"Even if it will be done abroad?"
Tanong ni Kianna.

"Mas lalo ka lamang mahirapan at mapapagod kahit sa Abroad mo pa gawin ang Surgery."
Wika na naman ng Doctor.

"What is your advise then?"
Tanong ni Kianna.

"Pray for Miracles."
Wika ng Doctor.

"What if Miracle doesn't happens?"
Tanong ni Kianna habang nakapikit pa rin.

"Kaya nga sulitin mo na ang mga Araw na Buhay ka. Forgive people who hurt's you. Say sorry to the people you've hurt by all means. Talk to our Almighty God."
Payo ng Doctor.

"Is it okay if I ask for a 2nd Opinion in Metro Manila?"
Tanong ni Kianna.

"You can do that but prepare yourself for whatever results."
Payo ng Doctor.

"Thank you, Doc. Maybe tomorrow we will transfer into a Private Hospital in Europe.

"God bless you!"
Ngiti ng Doctor.

Nang lumabas na ang Doctor ay wala pa ring nagsalita kay Melanie at Kianna dahil sa mga narinig nila sa Doctor.

Nakatulog muli si Kianna at sa pag mulat ng mga Mata nito ay lumabo bigla ang kaniyang paningin kahit na kinuskos na niya ito.

"Melanie? Can I ask a favor?"
Tanong ni Kianna.

"Ano po iyon, Ma'am?"
Tanong ni Melanie.

"Pakiusapan mo ang Doctor kung pwede dalhin dito si Dwight. Then, please call my Mom, Dad and Dwayne.
Thank you."
Bilin ni Kianna.

"Ma'am everything is fine, right?
Lilipad na ba tayo pa Europe?"
Kinakabahan na tanong ni Melanie.

"Gusto ko Sila makita bago tuluyang mawala ang paningin ko dahil sa Brain Tumor ko."
Naiiyak na wika ni Kianna.

"Everything will be fine, Ma'am."
Naiiyak na rin na wika ni Melanie dahil sa nangyayari.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now