HOLDING ON

842 6 2
                                    

Nakauwi na si Kianna at doon niya lalong naramdaman ang Lungkot at sakit. Sa tuwing mag-isa Siya ay mas ramdam niya na mag-isa lamang Siya sa laban. Magulo pero iyon at iyon lamang ang kaniyang naiisip, kung maari lamang magkaroon ng Rewind katulad sa Pelikula.

Ngunit andito na at wala ng ibang paraan kundi ang itama ang lahat kahit na mahirap.

Nag ring ang kaniyang Cellphone kaya naman sinagot niya ito.

Si Gerald.

Hello, Ge? Kumusta?
- Kianna.

Ikaw ang kumusta?
- Gerald.

I'm good. Hindi ata kita nakita kanina?
- Kianna.

Kasama ko si Maicy, may inaayos lamang kami. Balitaan kita kaagad pagbalik ko sa Office ko.
- Gerald.

Sure. Thank you. Stay safe!
- Kianna.

Thank you! Ikaw rin.
- Gerald.

Thank you. Ang sweet nila kanina, sayang hindi mo nakita ang Proposal ni Dwayne.
- Kianna.

Sus! Selos lamang iyan. Hayaan mo si Kuya Dwyane. Malapit na matapos ang kasamaan nila ng Parents niya.
- Gerald.

Sana nga. Sana matapos na ang lahat dahil mukhang alam na rin nila Mom at Dad ang lahat. Nagkita kami sa Puntod ni Kevianah. Yun din ang Araw na may sumunod saakin habang pauwi ako dito.
- Kianna.

Alam na ng Parents ni Kuya Dwayne ang hakbang natin, kaya mag-iingat ka riyan.
- Gerald.

Kayo din diyan.
- Kianna.

Nang matapos ang tawag nila ay sakto naman na dumating na ang kaniyang Asawa, mabuti na lamang at hindi ito lasing.

Hindi niya maatim na makipag sex sa Asawa lalo na sa nasaksihan niya kanina na inalok nito si Ma'am Bea na maging Girlfriend nito.

Baliw na nga ata si Kianna sa isip niya lamang dahil sa tuwing inaangkin siya ng kaniyang Asawa ay umaasa ang Babae na mamahalin din Siya ng Asawa.

"Andiyan na ang Annulment Paper, ngayon na sinagot na ako ni Bea to be her Boyfriend lalo ka ng walang puwang sa Bahay at Buhay ko."
Ngisi ni Dwayne.

Parang Bombang sumabog ang mga salita na binitawan ni Dwayne sa Asawa nito.

"Wala na ba talagang pag-asa na maayos natin ang ating Relasyon?"
Mahinang tanong ni Kianna kahit na nasasaktan.

"C'mon, Kia. Simula pa lamang alam mong wala na talagang pag-asa diba?
Gusto ko ng makapag move on kay Kevianah kahit saa iyon lamang ay maibigay mo saakin."
Seryosong wika ni Dwyane.

"Pwede bang ako na lamang?
Pwede bang ako na lamang ang mahalin mo?"
Matapang na tanong ni Kianna.

"Seriously? Tigilan mo Ako Kianna!
Hindi kita mamahalin kahit kailan!"
Sigaw ni Dwayne.

"Lahat ay gagawin ko, Dwayne.
Please? Huwag namang ganito.
Ano ba ang pwede kung gawin, mahalin mo lamang ako?"
Desperadang pakiusap ni Kianna.

"Wala!" Galit na sigaw ni Dwayne.

"Pwede bang next time ko na lamang pormahan ang Annulment Paper kapag kaya ko na?"
Pakiusap ni Kianna sa Asawa.

"Bahala ka sa Buhay mo!"
Pagsuko ni Dwayne.

Nang naiwan si Kianna ng kaniyang Asawa ay pumunta siya sa Pool Area upang doon ibuhos ang lahat ng kaniyang sama ng loob.

Alam niya na darating ang Araw na hihiwalayan din Siya ng kaniyang Asawa ngunit hindi niya lamang inasahan na ganito kaaga.

Lord sobrang bigat at sobrang sakit na po..

Kausap ni Kianna sa Diyos dahil wala na Siyang ibang makausap.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now