T I R I N G D A Y

849 6 1
                                    

Nagising si Kianna na nasa hindi pamilyar na Kwarto kaya agad siyang napabangon. Bigla naman niyang naalala ang mga nangyari kaya muli siyang napahiga. Masakit ang kaniyang buong Katawan at inaantok siya. Walang kasama ang Dalaga sa loob ng Kwarto niya at nakilala niya na dito Siya tumutuloy.

Nakatulala ang Dalaga sa Kisame ng kaniyang Hotel Room habang iniisip ang mga nangyayari sa kaniyang Buhay.

May mga Luha na pumatak sa magkabilang Mata niya at hindi na naman iyon natigil sa pagtulo.

Naawa Siya sa kaniyang Sarili ngunit kung ito ang ikakagaan ng pakiramdam ng kaniyang Pamilya at ng Asawa niya ay titiisin niya.

Sana lamang ay hindi Siya mapagod at sumuko dahil mukhang mauuna pang mapagod at sumuko ang kaniyang Katawan.

Kinalkal ng Dalaga ang kaniyang mga Gamit at inayos na ito, napansin niya ang kaniyang mga kutkutin kaya naman nilantakan niya ito habang nanonood ng Movie sa kaniyang Cellphone.

Naka relate Siya sa Movie na kaniyang pinapanood, katulad niya ay nagtitiis ang Bidang babae sa mga taong Mahal niya.

Nasa Climax na siya ng kaniyang pinapanood ng biglang bumukas ang Pinto ng Hotel Room niya.

Si Dwayne na naman.

"Sarap buhay ka dito, Madam."
Ngisi ni Dwayne kay Kianna.

Pinatay na ni Kianna ang pinapanood at babalik na sana sa kaniya Kama ng hilain Siya ng kaniyang Asawa.

"Linisin mo ang Hotel Room ko at magluto ka doon. Magtrabaho ka hindi ikaw ang Amo dito!"
Sigaw ni Dwayne.

Matamlay naman na lumabas ng Kwarto si Kianna at pinaandar ang kaniyang Kotse.

Nais pa sana nitong magpahinga dahil sumasakit pa rin ang sugat niya sa kaniyang Likod.

Nagluto ang Dalaga at naghain na, nang matapos ang mga Officemate's niya kumain maging si Dwayne ay dumerecho na Siya sa Hotel Room nito at nilinis ito.

Tumagal Siya sa paglilinis sa Hotel Room ni Dwayne dahil pinapahinga niya ang Likod niya na nangangalay dahil sa kaniyang sugat.

Pumunta siya sa harap ng Salamin at inangat ang Damit sa bandang likod niya.

Naiyak ang Dalaga sa itsura ng kaniyang Sugat!

Parang mas lalo itong namaga at sumakit, marahil ay madalas siyang kumikilos.

Inayos na niya ang kaniyang Damit at naisip niyang bumalik sa kaniyang Pinsan na su Doctor Leo Delos Reyes pagbalik nila ng Manila.

Nang matapos ang Dalaga na maglinis sa Kwarto ni Dwayne ay nilabahan naman nito ang mga nagamit na nitong Damit dahil may Automatic Washing Machine naman sa C.r ng Hotel Room nito.

Umupo Siya sa Sofa ng kaniyang Asawa at tinapos na ang mga Paper works na pinapagawa nito.

Paglabas naman niya ng Hotel Room nito ay Dinner time na pala kaya naman nagluto na Siyang muli ng makakain ng mga ito.

Matapos niyang maghain ay mabilis na naubos ng mga ito ang kaniyang mga niluto, nagluto na naman siyang muli para naman sa mga Pulutan ng mga ito.

Nang masigurado na natapos na niya ang lahat ng Gawain ay sumakay na Siya sa kaniyang Kotse at pumunta sa isang Restaurant na madadaanan pauwi sa kaniyang Hotel.

Nagulat pa ang Dalaga ng lapitan Siya ni Ricky.

"Hi Ate! Mag-isa ka lang?"
Bati ni Ricky.

"Oo eh. Pauwi na rin ako, Kumain lang ako saglit."
Ngiti ni Kianna.

"Next week doon ako mag stay sa Bahay ninyo dahil 2 weeks sa Canada si Kuya Dwayne. Marami kang utang na Kwento, Ate."
Ngiti ni Ricky.

Nagpaalam na si Ricky sakaniya dahil may Team Building daw ito doon.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now