F R E E D O M

1K 6 0
                                    

Nasa Manila na ngayon ang mag-asawang Kianna at Dwayne. Kumakain si Dwayne ng bigla itong magbilin ng mga iiwanang trabaho nito kay Kianna. Totoo nga na 2 weeks itong mawawala pero mas lalo naman siyang tinambakan ng Trabaho nito.

"I'll be gone for 2 weeks. Nasa Table mo na sa Office ang mga kailangan mong gawin. Same time pa din ang pasok at uwi mo, I'll monitor you when I'm away."
Bilin ni Dwayne kay Kianna habang nakatayo sa gilid nito.

"Noted." Tugon ni Kianna.

Sa pag-alis ni Dwayne ay balak na magpa-opera ni Kianna dahil hindi na umeepekto ang Pain Reliever na nireseta sa kaniya.

Minabuti na muna ni Kianna na tapusin ang lahat ng Paper works at bilin ni Dwayne bago Siya nagpa schedule ng Operation.

Sakto din iyon dahil makakapag pahinga pa siya pagtapos ng Operation niya.

Bigla namang dumating si Ricky na may dalang mga gamit.

"Hi Ate! Wala na ba ang Monster?"
Halakhak ni Ricky.

"Oo, kahapon pa. Kumain ka na ba?
Wala pa naman akong Stocks"
Bati ni Kianna.

"What?! Ang daming Pera ni Kuya Dwayne ah! Bakit hindi bumibili ng Stock ninyo?"
Takang tanong ni Ricky at umupo sa Sofa.

"Magkaiba kasi kami ng Stocks, ayaw niya na ginagalaw ang gamit at Stocks niya."
Balewalang wika ni Kianna.

"What?!! Ate, bakit hinahayaan mo na gawin saiyo ito ni Kuya?"
Galit na tanong ni Ricky.

"Deserve ko naman ang lahat ng treatment niya at ng Pamilya ko, Ricky.
Alam mo naman kung bakit e."
Matamlay na tugon ni Kianna.

"Pero hindi mo kasalanan ang pagkamatay ni Ate Kevianah! Nakausap ko ang mga Tropa ninyo, wala kang kasalanan."
Pagpipilit pa ni Ricky.

"Mabuti ka pa at naniniwala sa wala akong kinalaman. Mabuti ka pa at nakausap mo ang mga Kaibigan ko, Ricky. Ang Kuya mo kasi ay tinakot na Sila kaya wala ng naglakas loob na magsalita."
Matamlay pa rin na Kwento ni Kianna.

"Okay, I get it. Pinapili ka ni Kuya kung pakakasalan mo Siya o makukulong ka?"
Manghang tanong ni Ricky.

Tumango na lamang si Kianna at mas lalong kinagalit iyon ni Ricky.

"Ate naman! Sana hindi ka pumayag na magpakasal eh, tingnan mo ang ginagawa niya saiyo. Hindi ka makukulong dahil may Proseso naman."
Inis na paliwanag ni Ricky.

"Sige nga, Ricks. Tell me, sa lakas ng Koneksyon ng Kuya mo sa tingin mo may maniniwala pa saakin? Iyong mga Kaibigan ko pa nga lamang ay natakot na sakaniya eh."
Paliwanag ni Kianna.

"Huwag mo sabihin na alam ito lahat ng Pamilya natin, Ate?"
Kinakabahan na tanong ni Ricky.

"Wala silang alam sa sitwasyon ko ngayon pero ang alam nila ay Ako ang gusto ng Kuya mo kaya pinakasalan ako."
Hikbi ni Kianna.

Niyakap ito ni Ricky at pinatahan.

"Operation ko na bukas sugat ko sa likod ko, Ricks. Natatakot ako."
Hikbi pa rin ni Kianna.

"Don't worry Ate, I got you. Papunta na rin dito si Daisy ang Girlfriend ko. Tutulungan ka namin."
Assurance pa ni Ricky.

"Salamat, Ricky. Salamat."
Ngiti ni Kianna.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now