Kinakabahan man ay mabilis ang lakad ni Kianna dahil unang Araw pa lamang niya ay pinatawag nasiya agad, ni hindi pa nga niya nakilala ang buong Admin. May mga katanungan sa isip ni Kianna kung bakit Siya pinatawag at nasagot lahat iyon ng makilala niya kung sino ang kanilang Manager.
Napahinga Siya ng malalim dahil nakilala niya ito.
"What is this, Kianna Drey?!"
Seryosong tanong ni Gerald Hidalgo.Manliligaw niya ito na naging matalik niyang Kaibigan dahil binasted niya ito. Hanggang Kaibigan lamang ang kaya niyang ibigay dito.
At kapag tinawag na Siya nito sa buong Pangalan niya ay kailangan mong magpaliwanag.
"Nag-iba ako ang Career. Ayaw mo nun magkasama tayo sa Trabaho?"
Biro ni Kianna at prenteng humiga sa Sofa nito sa loob ng Office."Tigilan mo Ako, Kianna Drey!
Bakit naging Janitress ka dito sa Hotel ni Ate Bea?"
Seryoso pa rin na tanong ni Gerald."Oh! Kapatid mo Siya? Ganda ng lahi ninyo!"
Gulat na bumangon si Kianna sa pagkakahiga."Bakit ka andito?!!"
Galit na talaga si Gerald."Kalma, na hire ako bilang Chef ng Ate Bea mo pero I need to start as Janitress."
Paliwanag ni Kianna."What?!! Anong connect? Tsaka diba Kasal na kayo ni Kuya Dwayne? Pinayagan ka niya?"
Naguguluhan na tanong ni Gerald."Yes. Kailangan kong pagdusahan ang lahat dahil sa pag-aakala nilang sinadya ko ang pagkamatay ni Kevianah."
Balewalang paliwanag ni Kianna."Why?!! What?!! Andoon ako ng gabi na iyon! Wala kang kasalanan dahil ang mga Magulang ni Kuya Dwayne ang sumagasa sainyo! Nakita ni Kevianah na ikaw ang tinutumbok, at dahil lasing ka na that night nahila mo Siya kaya Siya ang natumbok ng Kotse!
Hindi na namin nahabol dahil mas inuna namin na isugod kayo sa Ospital, pero nakilala ko ang mga Magulang ni Kuya Dwayne."
Mahabang litanya ni Gerald.Nabigla si Kianna sa rebelasyon ng kaibigan niya na si Gerald!
Pero bakit Siya papatayin ng mga Magulang ni Dwayne?
Anong kasalanan ni Kianna sakanila?
"Sigurado ka ba diyan? Nakausap mo ba ba si Dwayne about that?"
Tanong ni Kianna."No, kauuwi ko lamang from States.
Akala ko ayos na ang lahat, hindi mo deserve ang lahat ng ito. Tara, I'll talk to Kuya Dwayne."
Hila ni Gerald kay Kianna."No! Hindi ka niya pakikinggan, Gerald. Bulag at Pipi Siya sa pagkawala ni Kevianah. Pero ang hindi ko ma gets, Bakit ako pagtatangkaan na patayin nila Mrs. Ramos?"
Naguguluhan na tanong ni Kianna."Kua Dwayne needs to know this, Kianna Drey!"
Matigas na wika ni Gerald."Huwag muna, kailangan natin ng matibay na ebedensya na magtuturo sa Parents niya noong Gabi na iyon."
Wika ni Kianna."Alam ba ng Parents mo ang mga ginagawa saiyo ni Kuya Dwayne?"
Tanong ni Gerald."Oo at ang nakakapagtaka ay mas pabor pa Sila kay Dwyane at sa Parents nito."
Wika ni Gerald."Hahanap ako ng Private Investigator, Kia."
Wika ni Gerald."Please do that, Gerald. Ilihim na muna natin ang lahat ng ito hanggang sa malaman natin ang katotohanan."
Pasasalamat ni Kianna."Yes, Kia. Pero kaya mo pa ba titiisin ang Trato saiyo ni Kuya Dwayne?"
Nag-aalalang tanong ni Gerald."Yeah, kaya pa."
Ngiti ni Kianna.
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNE
Lãng mạnSi Kianna Delos Reyes o mas kilala sa bilang Kia ay isang sikat na Volleyball Player sa kaniyang Henerasyon ngunit naging Sekretarya Siya ni Dwayne Ramos dahil sa isang pangyayari na kontrolado ng Dalaga. Matagal ng may pagtingin si Kianna sa Nobyo...