S E C R E T A R Y

1.8K 10 1
                                    

Maagang gumayak si Kianna dahil kailangan pa niyang magluto at maglinis ng Bahay nila bago siya umalis. Habang naliligo Siya ay ramdam niya na mataas pa rin ang kaniyang Lagnat kaya uminom na ito ng Gamot. Masakit at mahapdi pa rin ang sugat niya sa kaniyang likod na hanggang sa Buto niya pa ata.

Nang nakaluto na Siya ng Almusal ng Asawa ay nilagay na niya ito sa Dining Table at tinakpan.

Ang sunod naman nitong ginawa ay nagluto Siya ng kaniyang Almusal at ng kaniyang babaunin sa Opisina upang hindi na Siya lalabas doon dahil malamang ay tatambakan Siya ng Trabaho ng kaniyang Asawa.

Habang kumakain ang Dalaga ay hinahanda na rin nito ang baon niya sa kaniyang Lunch box na nabili kahapon.

Doon na Siya Kumain sa kaniyang Kwarto dahil alam naman niya na bawal Siyang kumain sa Dining Table ng Asawa.

Nang matapos niya ang lahat ay sumakay na Siya sa kaniyang Kotse at nagdasal.

Nasa isang Oras din ang Byahe papunta sa Office ng Asawa niya, mabuti na lamang at bago pa mag 6 AM ay naroon na Siya para mag Log in.

Pinapasok naman siya ng Guard dahil naitimbre na doon ang pagdating ni Kianna. Hawak din niya ang susi ng Opisina ng kaniyang Asawa dahil binigay ito kagabi sakaniya.

Sinimulan na niya ang mga nakatambak na Papel sa kaniyang Lamesa. Halos patapos na siya ng dumating ang kaniyang Asawa na si Dwayne.

"Morning, Sir."
Bati ni Kianna sa Asawa dahil walang ibang nakakaalam na mag-asawa na sila.

"Buy me a coffee."
Masungit na utos ni Dwayne.

Tumango ang Dalaga at umalis na Siya dahil alam na alam niya ang paboritong Kape ni Dwayne sa Starbucks.

Mabilis siyang nakabalik sa loob ng Opisina nila at inabot ito sa kaniyang Asawa na nagbabasa ng Papeles.

"Your coffee, Sir."
Nilapag ni Kianna ang Kape sa Table nito.

"Bakit iyan? Diba andiyan na sa Table mo ang mga gusto at ayaw ko?!!"
Sigaw na naman ni Dwayne kay Kianna.

"Oh, I'm sorry!"
Paumanhin ni Kianna at pumunta sa Table niya upang kunin ang Papel ng Do's ang Dont's na naman ng Asawa niya.

"Noted, Sir. I'll buy another one."
Madaling lumabas na naman si Kianna.

Ngunit sa paglabas ni Kianna ay wala naman sa paligid ang Coffee Shop na bibilihan ng Coffee ni Dwayne.

Minabuti na muna nito ang magtanong sa Guard ng kailang Opisina.

"Sir, Saan po ba ang Coffee Shop na ito?" Tanong ni Kianna.

"Ay, sa Laguna pa ang Shop na iyan.
Diyan kasi ang paborito ni Sir Dwayne at Ma'am Keviana."
Wika ng Guard nila.

Napahinga ng malalim ang Dalaga kaya mabilis itong nag arkila ng Angkas Driver upang mababilis.

Inabot Siya my 1 hour, mabilis na iyon.
Pag-akyat niya sa kanilang Opisina ay inabot niya na ito kay Dwayne.

"Your Coffee, Sir."
Wika ni Kianna.

Hindi siya nito pinansin kaya bumalik na Siya sa kaniyang Lamesa at tinapos na ang naiwan na trabaho.

Lalo atang naging masama ang pakiramdam ni Kianna kaya bumili na muna Siya sa Pharmacy ng Gamot dahil hindi bumababa ang kaniyang Lagnat.

Pero hindi Siya pwedeng magpakita na nahirapan dahil lalo Siyang pahihirapan ni Dwayne.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now