SCARED TO DEATH

996 11 3
                                    

Nang umalis na si Melanie at naiwan ng mag-isa si Kianna sa loob ng Private Room ng Ospital ay biglang siyang humagulgol dahil unti-unti niya ng nararamdaman ang mga Sintomas ng kaniyang Sakit. Panay na ang pagkirot ng kaniyang Ulo at lalong lumalabo ang kaniyang paningin.

Natatakot Siyang mawalan ng kaniyang paningin na hindi man lamang nakikita ang Mukha ng kaniyang Anak, ng kaniyang mga Magulang at ng kaniyang Asawa na si Dwayne.

Ngayon ay alam na niya ang sakit at takot ng kaniyang mga Magulang noong mawala ang Kambal niyang si Kevianah.

Nais niyang makasama ang mga ito bago Siya mawalan ng hininga.

Nais niyang baunin ang mga ngiti at ala-ala ng kanilang mga Mukha sa aking paglisan.

Ganito pala ang pakiramdam ng binibilang mo na lamang ang Segundo, Oras at mga Araw na natitira sa hininga mo.

Marami siyang gustong kainin at Sabihin sa kaniyang Anak at mga Magulang lalo na sa Asawang si Dwayne.

Ngayon pa lamang ay nasasaktan na Siya isipin na hindi man lamang Siya makikita ng kaniyang Anak na may isip na ito.

Nasasaktan siyang isipin na hindi man lamang niya makikita ang Unang hakbang ng kaniyang Anak.

Nadudurog siyang isipin na hindi man lamang niya maririnig ang Unang salita ng kaniyang Anak.

Buhay pa siya ngunit pakiramdam niya ay Patay na Siya isipin pa lamang niya na hindi niya masasaksihan ang mga Mile Stones ng Anak niya.

Ang hirap isipin na hindi na Siya ang Unang masisilayan ng kaniyang Anak sa mga susunod na Buwan o Taon.

Nasasaktan Siya isipin na hindi man lamang makikita ng kaniyang Anak na buo ang kanilang Pamilya.

Dahil sa mga susunod na Taon ay tanging si Dwayne at Dwight na lamang ang magkasama.

Kahit gaano pa niya kagusto na mabuhay at lumaban ay Kusa ng bumibigay ang Katawan ni Kianna.

Hindi man niya gusto na iwan ang kaniyang mga Mahal sa Buhay ay tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam at nakakasakop ng lahat.

Nang nakatulog si Kianna ay napanaginipan niya pa ang Kamal na si Kevianah.

"Hey! You look so sad."
Bati ni Kevianah sa Panaginip ni Kianna.

"I missed you so much, Bal! Masaya ako na magkasama na tayo."
Yakap ni Kianna kay Kevianah.

"Same here. Walang araw na hindi kita binantayan, Bal. Katulad mo ay nasasaktan ako sa lahat ng nangyari saiyo."
Malungkot na wika ni Kevianah kat Kianna.

"I'm sorry for everything."
Wika ni Kianna.

"No, Kianna. You don't have to feel at say sorry. Everything happens for a reason, wala kang kasalanan."
Ngiti ni Kevianah.

"Bal, natatakot ako."
Hikbi ni Kianna sa kaniyang Panaginip.

"Bal, Wala kang kailangan ikatakot."
Ngiti ni Kevianah.

"Ayaw ko pa Silang iwan."
Malungkot na wika ni Kianna.

"Lahat ay may hangganan, Bal.
Diba naging strong kayo noong nawala ako? Diba pinagpatuloy ninyo ang mga Buhay ninyo kahit na wala ako?"
Ngiti ni Kevianah kay Kianna.

"Salamat, Bal."
Ngiti ni Kianna.

Nagising si Kianna mula sakaniyang Panaginip na may ngiti sa mga Labi at Pagtanggap sa mga mangyayari.

"Salamat, Bal!"
Wika ni Kianna.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now