GOLD DIGGER

1.7K 9 2
                                    

Nakangisi ang mag-asawang Mr. at Mrs. Ramos habang tinutumbok nila ang Kambal ni Kevianah na si Kianna.
Natuklasan ng Dalagang si Kianna ang maitim na balak nila kung bakit ikakasal na si Dwayne at ang Kambal nito na si Kevianah. Kaya bago pa man maunahan Sila ni Kianna na sabihin sa Kambal nito ay papatayin nila ito.

Natuklasan ng Dalagang si Kianna ang ginagawa ni Mr. and Mrs. Ramos sa Kompanya ni Kevianah dahil si Kianna ay nagtataka na kung bakit pababa ng pababa ang Sales ng Kompanya ng KamTbal nito na si Kevianah.

Mayroong Spy ang mga Magulang ni Dwayne sa loob ng Kompanya ni Kevianah, sinabi nitong nakita ni Kianna ang mga Lapses sa Accounting.

Kaya naman para hindi malaman ni Kevianah ang natuklasan ni Kianna ay niregaluhan ito at si Dwayne ng mag-asawang Ramos ng isang Bakasyon.

Alam ng mga Magulang ni Dwayne na kay Kevianal lamang ipapamana ang ibat-ibang Kompanya ng mga Magulang nila Kianna dahil tanging si Kevianah lamang ang may interest at kaalaman sa Negosyo.

Kaya ng Gabi na pinasubaybayan nila si Kianna ay nalaman ng mag-asawa na nasa Bar ito at hindi nila inaasahan na andoon rin si Kevianah.

Hindi na nakapag preno si Mr. Ramos dalil mabilis na nahila ni Kevianah si Kianna kaya ito ang napuruhan.

"Love! Si Kevianah ang napuruhan!"
Tarantang sigaw ni Mrs. Ramos sa Asawa nito.

Mabilis pa rin ang paandar ni Mr. Ramos dahil sa pagka-inis nito na si Kevianal ang napuruhan.

"Wala na! Damn it! Patay si Kevianah malamang dahil sa lakas ng impact."
Galit na nahampas ni Mr. Ramos ang manibela at tumabi sa gilid ng Kalsada.

"Hindi maaring malaman ni Dwayne na tayo ang bumangga sa Kambal. Isusumpa tayo ng Anak mo!"
Inis na wika ni Mrs. Ramos.

Malakas pa ang loob ng mag-asawang Ramos na pumunta sa Burol hanggang Libing ni Kevianah na walang konsenya.

"Anak, kasalanan lahat ito ni Kianna.
Pakasalan mo Siya upang makaganti ka sa kahayupan niya sa pagkamatay ni Kevianah."
Sulsol pa ni Mrs. Ramos sa Anak na si Dwayne.

"Huwag kang mag-alala, Mom.
I'll make sure na magdudusa si Kianna!"
Galit na sambit ni Dwayne sa Mommy nito.

Kaya naman isang Linggo matapos ang Libing ni Kevianah ay pinakasal na si Kianna at Dwayne.

Maging ang mga Magulang ni Kianna ay nasulsulan din ng mag-asawang Ramos na si Kianna ang may kasalanan sa pagkamatay ng Kambal nito.

Napangisi na lamang si Mrs. Ramos na nasunod ang Plano nila na mahirapan lalo si Kianna.

Tuluyan ng nakuha lahat ng mag-asawang Ramos ang Kompanya ni Kevianah dahil na rin sa kasakiman ng mga ito.

Lubog na lubog na rin ang mag-asawang Ramos sa utang sa mga Casino at sa pinagbabawal na gamot kaya pursigido Silang magkapera ng malaki.

Kaya ngayon ang Target naman nila at si Bea Mendi may-ari ng mga Hotel sa buong panig ng Mundo.

Nirereto nila ito sa Anak nilang si Dwayne upang mauto din nila ito.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now