DECIDED

837 5 1
                                    

Pilit na lumabas si Kianna sa Ospital upang makita ang kaniyang Asawa na si Dwayne sa huling pagkakataon. Pipirmahan na din niya ang Annulment Paper, sapat na iyong manganib ang Buhay nila ng kaniyang
Anak upang sumuko sa Laban.

Ngayon ay mahina pa siya dahil sariwa pa ang lahat nga sakit at ala-ala niya sa mga ginawa sakaniya ni Dwayne.

Ayaw na niyang maulit na ilagay sa panganib ang kaniyang pinagbubuntis.
Dahil hindi na niya kakayanin kung pati ang Anak nila ay mawala sa kapabayaan niya.

Pagpasok ni Kianna sa loob ng Bahay ay nakita niya ang Asawa niya na nagluluto ng makakain nito habang walang suot na damit.

Ito ang isa na mamimiss ko, ang pagsilbihan ka Mahal ko.

Pero ang paglayo ko ang makakabuti sa ating lahat, ayaw ko na pati ang Anak natin ay mawala pa saakin.

I'm sorry kung hindi ko sasabihin na Buntis ako dahil natatakot ako na baka pati ang Anak natin ay Saktan ninyo ng mga Magulang mo.

Piping kausap ni Kianna kay Dwayne habang nakatitig Siya sa Asawa. Bigla naman itong lumingon sakaniya at Galit na nilapitan siya.

"Bakit andito ka pa? Wala ka ng puwang sa Bahay na ito."
Galit na sigaw ni Dwayne at pilit na hinihila si Kianna palabas ng pinto.

"Wait, may kailangan lamang akong gawin bago umalis. Ang bagay na iyon ang magpapasaya saiyo."
Mapait na ngiti ni Kianna at inipon nito ang buong lakas niya upang kumawala sa mahigpit na paghila saknia nito.

"Ang dami mong kaartehan! Mayroon ka lamang 5 minutes. Pag sumoba ka doon ay kakaladkarin kita palabas ng Bahay ko!"
Sigaw ni Dwayne.

"Kung sakali ba na mabuntis mo Ako, may magbabago pa sa Turing at Trato mo saakin, Dwyane?"
Mapait na ngiti muli ni Kianna.

"Asa ka pa? Wala! Madadamay lamang Bata sa Tiyan mo kung nabuntis kita.
O kung saakin nga ba? Alam ko ang mga palihim na pag-alalay saiyo ni Gerald."
Ngisi ni Dwayne.

"Pero ikaw ang nakauna saakin at tanging ikaw lamang ang gumagalaw saakin!"
Mataas na ang boses ni Kianna dahil sa insultong narinig mula kay Dwayne.

"Bakit nabuntis ka na ba ni Gerald kaya mo sinasabi ang mga iyan?"
Ngisi ni Dwyane.

Hindi na lamang kumibo si Kianna at pumunta na sakaniyang Kwarto upang makuha ang mga importanteng gamit niya.

Tapos ay dumerecho na ang Babae sa Kwarto ni Dwayne upang hanapin ang Annulment Paper.

Hindi mapigilan ni Kianna ang mapaiyak bago pirmahan ang Annulment Paper nila, dahil hanggang dulo ay umaasa Siya na magiging maayos ag lahat.

Agad na niyang pinirmahan ang mga Papeles dahil kailangan na niyang umalis upang makapag pahinga pa siya para sa Flight niya bukas papuntang Vigan.

Sa Vigan na siya mananatili habang Buntis siya, isang Private Resort ang binili ni Kianna doon noon pang Volleyball Player pa siya.

"Malaya ka na, Mahal ko. Wala akong ibang hihilingin kundi ang maging Masaya ka. Mahal kita hanggang sa huli."
Bulong ni Kianna sa huling sulyap niya sa bawat sulok ng Bahay nila ni Dwayne.

Wala na si Dwayne ng umalis si Kianna, marahil ay ayaw na talaga siya nitong makasama.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now