VISITOR'S

1K 10 2
                                    

Isang Buwan na ang lumipas mula ng manganak Siya at tuluyan na ngang nagbago ang takbo ng kaniyang Buhay.
Naging mas makulay pa ang paligid para kay Kianna, naging payapa ang kaniyang isip mula ng dumating sa Buhay niya si Dwight. Malusog at kamukha ito ng Daddy niya na si Dwayne.

Nagpapasuso si Kianna ng tumunog ang Monitor ng kaniyang CCTV, hudyat na may tao sa labas ng kaniyang Resort.

Mula kasi ng tumira si Kianna sa Vigan ay nagpalagay kasi ito ng nakakalat ngunit nakatago na mga CCTV at Security Alarm na siya lamang ang makakarinig sa loob ng Bahay niya.

Pilit na kinikilala ni Kianna ang mga Kotse ng may tumawag sakaniya.

Si Mom, Dad, Gerald at Maicy pala ang mga nasa labas.

Mabilis na pinindot ni Kianna ang Smart Control para sa malaking Gate niya sa labas kaya nakapasok na ang mga ito.

"Grabe kayoooo. Mabuti na lamang at bumisita po kayo."
Naiiyak na bati ni Kianna sa mga Magulang at Kaibigan nito.

Niyakap ni Kianna ang mga Magulang at mga Kaibigan niya, sobrang namiss niya ang mga ito ngunit kailangan niyang mag-ingat upang hindi Siya matunton ni Mrs. Ramos.

Ngunit napansin naman si Kianna na parang hindi mapakali ang kaniyang mga Magulang.

"Why?! Nasundan po ba kayo ni Mrs. Ramos?"
Kinakabahan na tanong ni Kianna at snilipg kaniyang CCTV Monitor.

May isa pa siyang Kotse na nakita sa labas ng kaniyang Resort kaya lumingon Siya sa mga Magulang niya.

"Ah, Tita at Tito kayo na po ang bahala makipag-usap kay Kianna."
Kamot ni Gerald sa Ulo nito.

Lalo naman naguluhan si Kianna.

"Labas po muna kami."
Paalam ni Maicy.

Paglabas ni Gerald at Maicy ay hinawakan si Kianna ng kaniyang Daddy at pinaupo muna Siya.

"Anak, may kailangan kaming sabihin."
Mahinang wika ng Mommy ni Kianna.

"Ano po iyon? Kinakabahan po ako.
Si Mrs. Ramos po ba ang nasa labas?
Tatawag po ako ng Pulis."
Natatakot na wika ni Kianna.

"Anak, ang Asawa mo na si Dwayne ag nasa labas."
Bulong ng Daddy ni Kianna.

Biglang nanigas si Kianna at nawalan ng Emosyon ang kaniyang mukha.

"Hindi ko na po Siya Asawa, pinirmahan ko na po ang Annulment Paper namin bago ako pumunta dito.
Paalisin po ninyo siya."
Matigas na wika ni Kianna.

"Anak, let him explain. Lahat tayo ay Biktima lamang ng Parents niya."
Wika ng Daddy ni Kianna.

"Yes, Dad. Pero mas pinili niya akong Saktan kesa paniwalaan ako. Alam ninyo po ba na muntik na ako makunan dahil sa pananakit niya saakin?"
Seryosong saad ni Kianna.

"Anak, please let him explain everything. Kung matapos kayong mag-usap at ayaw mo pa rin siyang paniwalaan, it's up to you kung paalisin mo pa rin Siya."
Wika ng Mommy ni Kianna.

Tumayo ang mga Magulang niya at binuhat si Dwight na umiyak na para bang nais din nitong bigyan ni Kianna ng Oras ang Daddy nito na magpaliwanag.

Pinindot ni Kianna ang Smart Control upang magbukas mag Gate niya at lumabas Siya upang salubungin ang magaling niyang Asawa.

"Kia, let me explain."
Hingal na tumakbo si Dwyane kung nasaan si Kianna.

"Follow me." Utos ni Kianna.

Doon napili ni Kianna na mag-usap Sila ni Dwayne sa Pool Area ng Resort upang makapag-usap Sila ng maayos.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now