NEW LIFE

775 7 0
                                    

Tuluyan ng umalis sa Private Resort sa Vigan si Kianna upang lumipat bagong tirahan at nagsimula muli ito ng bagong Buhay kasama lamang ang kanilang Anak. Ito rin ang paraan ni Kianna upang mas makalayo pa dahil hindi sya makakapayag na may masama ding mangyari sa Anak nila.

Mula ng silipin ni Kianna ang Basement na dahilan ng kaniyang Asawa na si Dwayne na may inayos lamang daw doon ay nakita niya ang Decorations doon para sa Dinner by Two.

Pagkain na lamang ang kulang doon sa inayos ni Dwayne, kaya bigla Siyang napahagulgol sa Surpresa sana kay Kianna ng kaniyang Asawa.

Pero sa kabilang banda ay nais lamang din ilabas ni Kianna ang Galit niya kay Dwayne kaya siguro sumabog ang kaniyang Emosyon noong araw na palayasin niya ito.

Hindi rin maintindihan ng Babae ang pabago bagong Emosyon niya, hindi siya ganito noong nagbuntis Siya lalo naman hindi rin Siya Buntis dahil walang nangyari sakanila ng kaniyang Asawa habang magkasama sila sa Vigan.

Iniisip na ni Kianna na magpatingin s Doctor dahil malamang ay dala ng mga nangyari noon ang Trauma na kaniyang nararamdaman.

Maliban pa doon ay madalas na rin sumasakit ang kaniyang Ulo sa hindi malamang dahilan.

Tulad ngayon, andito na sila sa bago nilang tirahan sa Baguio. Dito niya naisip na mamuhay kasama ang kaniyang Anak at si Melanie.

Sumama ito sakaniya at sinabihan din ito ni Kianna na malaya si Melanie na umuwi sa Vigan kahit na kailan.

Pero mas ninais na lamang ni Melanie na samahan Siya nito. Nakuha ni Kianna ang Loyalty ni Melanie.

Nag i-inventory si Kianna habang si Melanie ay kumakain ng biglang sumakit ang kaniyang Ulo ng matagal.

"Ma'am are you okay?"
Kinakabahan na tanong ni Melanie.

Hindi nakasagot si Kianna dahil para na Siyang mawawalan ng Malay sa sobrang sakit ng kaniyang Ulo.

"Bring me to the Hospital, hindi ko na kaya!"
Huling sigaw ni Kianna bago ito mawalan ng Malay.

Mabilis naman na nakahingi ng tulong si Melanie kaya nadala agad sa Ospital si Kianna.

Habang ang Anak na si Dwight ay bitbit din ni Melanie sa Emergency Room.

"Anong nangyari sa pasyente?"
Tanong ng Doctor.

"Sumakit na naman ang Ulo niya Doc, pero ngayon lamang Siya nagpadala sa Ospital."
Tarantang paliwanag ni Melanie habang umiiyak ang sanggol na si Dwight.

"Okay, ipapa Laboratory at CT Scan ko ang Pasyente. Hindi pwede nagtagal dito ang Bata.

"Yes, Doc."
Wika ni Melanie.

Mabilis naman natawagan ni Melanie ang kaniyang Inay at Itay upang may mag-alaga sa Batang si Dwight.

Madaling Araw na ng dumating ang mga Magulang ni Melanie kaya doon a dumerecho ang mga ito sa Ospital upang kunin ang Batang si Dwight.

Naawa si Melanie sa Anak nila Ma'am Kiana at Dwayne dahil gutom na gutom na ito at inaantok na rin.

Mabuti na lamang ay may Stocks sa Bahay para sa Gatas at Pagkain ng Bata.

Nang matapos ang mga Laboratories at CT Scan ni Kianna ay nalaman ni Melanie na may Brain Tumor pala ito.

Hindi malaman ni Melanie kung sino ang unang tatawagan upang ipaalam sa mga Magulang ni Kianna o ang Asawang si Dwayne ba.

Alam kasi ni Melanie na ayaw na ayaw ng kaniyang Ma'am Kianna na magkaroon pa ng Kumunikasyon sa mga ito.

Mabuti na lamang ay nagkaroon na ng Malay ang kaniyang Ma'am Kianna.

POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNEWhere stories live. Discover now