Inabot si Kianna ng 1 AM sa kanilang Opisina dahil marami pa siyang tinapos. Wala na sana itong balak umuwi sa kanilang Bahay ng kaniyang Asawa at doon na lamang matutulog sa kanilang Opisina dahil sa sobrang sama ng kaniyang pakiramdam. Ngunit alam niya na mas lalo Siyang pag-iinitan nito.
Ilang beses pa siyang humihinto sa gilid ng Kalsada dahil nakakaramdam pa siya ng Hilo. Nais sana niyang tawagan ang mga Magulang niyang ngunit baka hindi lamang nila sagutin ang tawag.
Eksaktong 3 AM ng makarating Siya sa Bahay nila ni Dwayne, sa Gate pa lamang ay alam na ni Kianna na may mga Bisita ang kaniyang Asawa.
Pagpasok niya sa loob ay amoy na amoy ang Usok ng sigarilyo na sobrang Allergic Siya dahil mayroon siyang Asthma.
Pinipigilan lamang ni Kianna ang pag-ubo dahil nakita niya kung paano Siya titigan ni Dwayne habang may naka-kandong na Babae dito.
"Magluto ka ng Pulutan!"
Sigaw ni Dwayne.Napalingon tuloy sa gawi ni Kianna ang mga Bisita nito, namukhaan ng Dalaga ang Kapatid na Bunso ni Dwayne kay nginitin niya ito.
Nang nagluluto na ang Dalaga ay hindi na niya napigilan ang pag-ubo dahil sa Kapal na ng Usok mula sa Sigarilyo ng mga ito.
Mabilis niyang tinapos ang mga Pulutan na niluluto at nilapag sa Lamesa nila Dwayne.
"Bumili ka ng mga Alak, dagdagan mo ng Tatlong Rim ng mga Sigarilyo."
Ngisi ni Dwayne kay Kianna.Mabilis na tumalikod ang Dalaga upang makabili na Siya at ng makapag pahinga na siya.
"Samahan na kita, Ate."
Ngiti ni Ricky na Bunso nila Dwayne."Salamat."
Ngiti ni Kianna.Ngunit bago pa man makasakay ng Kotse ang mga ito ay nahilo na naman si Kianna.
"Ate, are you okay?"
Tanong ni Ricky habang nakahawak sa likod ni Kianna.Biglang napatayo ng tuwid si Kianna dahil nahawakan ni Ricky ang kaniyang sugat sa likod.
"Ouch!"
Mahinanh bulong ni Kianna dahil wala na talaga itong lakas."Wait, Ate. Tatawagin ko si Kuya!"
Natatarantang sigaw ni Ricky."Hu--wag! Dito ka lamang."
Pigil ni Kianna.Nagtataka naman ang Mukha ng Binata na si Ricky.
"Pwede bang bumili na tayo ng mga Alak, tapos idaan mo ako sa Ospital bago mo iuwi ang mga Alak?"
Pakiusap ni Kianna na naghihina na."Ate! Hayaan mo na ang Utos ni Kuya!"
Nag-aalalang sigaw ni Ricky."Please?"
Pakiusap ni Kianna.Wala ng nagawa si Ricky kundi ang bumili ng mga Alak at idaan sa Ospital ang Hipag na si Kianna.
"Ate, babalik ako dito."
Wika ni Ricky."Yes, please? Huwag mo ng Sabihin ito sa Kuya ko."
Pakiusap ni Kianna habang nasa Emergency Room."Oo pero kailangan mong Sabihin saakin ang lahat, okay? I'll be back."
Paalam ni Ricky.Tuluyan ng nawalan ng malay si Kianna sa pag Atake ng kaniyang Asthma, sugat sa likod at ang mga pagod ng nakalipas na Araw.
Habang pauwi si Ricky ay nagalit Siya sa kaniyang Kuya pero nangako Siya sa kaniyang Ate Kianna na hindi niya sasabihin kay Kuya Dwayne.
Nang maiabot niya ang mga Alak sa Lamesa ng kaniyang Kuya ay hindi na nito napansin na wala si Ate Kianna.
Ang Gaga mo, Kuya!
YOU ARE READING
POSSESIVE WILD SERIES #12 ; FIXING A BROKEN HEART by KIANNA and DWAYNE
RomanceSi Kianna Delos Reyes o mas kilala sa bilang Kia ay isang sikat na Volleyball Player sa kaniyang Henerasyon ngunit naging Sekretarya Siya ni Dwayne Ramos dahil sa isang pangyayari na kontrolado ng Dalaga. Matagal ng may pagtingin si Kianna sa Nobyo...