"Weeru Pov"
Nanumbalik na ang lahat sa dating sigla at ganda.
Nagkaroon ng katahimik at kapayapaan ang buong kaharian.
Anim na taon na din ang nakalipas ng mag mula ng mangyari ang kagulohan.
At Ito ako ngayon,nasa aking munting harden na ako lamang namamahala, dahil ito ang lugar kong saan konektado sa dati kong mundo .
Dito nagtanim ako ng mga halaman at gamot mula sa dati kong mundo.Mahiwaga ang bisa ng bawat isa na hindi matatagpuan dito sa mundo na kinaroroonan ko ngayon.
"Weeru?"
Mula sa labas ng harden,at tinig iyon ni Lexus
"Bakit?"tugon ko at inihinto ang aking ginagawang pag aayos
"Kailangan kita"
"Para saan?"tanong ko at lumabas sa harden
"May ginawa na namang kalokohan sina Wess at Zeeru."
Napakunot ang noo ko.
"Ano na namang ginawa ng dalawang makulit?"
Napakamot ng ulo si Lexus
"Mas mabuting Ikaw ang umalam sa kanilang dalawa "
Lalo pang nagsalubong ang kilay ko ,sa pagtataka at pag iisip .
Kaya minabuti ko nalang na sumama na kay Lexus at alamin
Ng pumasok kami sa palasyo,agad na napansin ko ang dalawang batang babae na Sina Wess at Zeeru.
"Anong ginawa niyo?"kalmado kong tanong
"Siya ay may gawa ,Ina"
Turo ni Zeeru na pinaka bata sa dalawa kay Wess malikot ang mata nitong nakatingin sa kapatid
"Hindi po ako ,maniwala po kayo."
Depensa ni Wess na nakakatanda sa dalawa
Huminga ako ng malalim at umupo sa malapit na silya
Sumunod naman si Lexus at tumayo lamang sa likuran ko
"Ano bang nangyari?ibahagi niyo simula sa unang pangyayari upang maunawaan ko"
Sabi ko sa kanilang dalawa
Nag sikuhan pa ang dalawa upang magsalita
Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila
"Mahal na Luna,hayaan niyo ako maghayag ng pangyayari."aniya
Shun na ,siyang naging guro ng dalawang bata
Lalo pang nag salubong ang kilay ko ng makita kong may parte sa ulo ni Shun ang hindi tama,sa kabilang gilid ng buhok niya at hindi pantay at kitang kita na ginupit.
Matalim na tumingin ako sa dalawang bata.na ngayon at umiwas ng tingin at yumuko
"Ito ba ang hindi niyo masabi?bakit niyo ito ginawa kay Shun?"
"Naku,Wala ito.nagkatuwaan lamang kami.Wala silang kasalanan "
Sabay tawa ni Shun
Tumayo ako at lumapit kay shun.
"Ako na Ang humihingi ng tawad sa ginawa ng dalawang ito.Hayaan mo akong tulungan ka sa ginawa nila"
"Wala ito,ayos lang talaga.Maayos naman din agad ito.Tyaka tutubo ito sa ilang araw"
Nakarinig pa ako ng pag pipigil na pagtawa ng dalawang bata
"Kayong dalawa,hindi ko makita ang pagsisi sa ginawa niyo bagkus natatawa pa kayo .
Simula ngayon mananatili kayo sa loob ng inyong silid, at mag mula sa araw na ito walang mamasyal sa labas ng palasyo hanggang hindi ko sinasabi "
"Ano?!Ina hindi pwede..may---"matalim ko siyang tiningnan
Napahinto ito at lumapit sila sa kanilang ama nagtago sa likod.
BINABASA MO ANG
TAMER
Werewolf"Weeru! nawawala si Dav" Mula sa malalim na pag dadasal,nabulagbog si Weeru Marahan siyang tumayo "Tawagin ang mga pinuno papuntahin silang lahat" Malumanay na sabi niya "Masusunod"umalis ito agad at muling humarap siya sa altar kong saan naroroon...
