LYB 9

4 1 0
                                    



Monday ngaun at puspusan na ang pagpapractice ko two weeks nalang at magstart na ang intrams namin. Andito ako ngayon sa pool at nagpapractice,dito ko inuubos yung oras ko.Para kahit papaano ay malibang ako.Sabi ko nga isa ito sa nagpapakalma sa akin.


Kakaahon ko lang ng harangin ako nila dave.Medyo may iilan ding nanonood dito lalo na at oras ng break ngayon.

"Mukhang wala na sila ni lance pre.."ano naman sa kanila pake nila,bakit updated sila.

"Pinagsawaan na siguro.." nangaasar na turan nito kay dave.Kahit anong pangaasar nila walang talab sa akin.

"Baka maluwag na kaya inayawan sa dami ba naman ng customer."Baka mukha nya paliwagin ko ng makita nila.

"Hindi ko alam kung anong merong mukha ka at nagagawa mo pa talang pumasok dito.."malamang
dito ako nagaaral makikita talaga nila ako.


Hinayaan ko lang silang magsalita at mapapagod din naman ang mga to.Umalis kasi saglit si coach ei kaya naglakas loob na naman ang mga to na lapitan ako.


"Wala akong panahon para patulan kayo.
Nananahimik ako dito.."mahinahong pakiusap ko sa mga to ayoko kasi talaga ng gulo,gulo na sa trabaho pati ba naman dito gulo pa din.

"Mayabang ka talaga kahit kailan no,wala ka na nga ang taas pa ng tingin mo sa sarili mo." hindi na ako tinatamaan sa mga ganyang salaita immune na ako ei.


I was walking away from them when someone grabbed me by the shoulder and suddenly punched me on the cheek.The force of this blow made me shiver.I was shaking and thought it was going to pass again.Whispers and sighs could be heard around me while others ran to the office to ask for help.

Nakayuko lang ako at pilit na pinapakalma ang sarili.Medyo nahihilo pa ako sa lakas ng suntok sa akin.

"Please ayoko ng gulo,hindi naman ako lalaban sa inyo.."


Tumawa naman ang mga ito at tinulak tulak pa ako sa balikat.Dahil hindi ko napaghandaan ang isang pagtulak sa akin ay nawalan ako ng balance.At naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa sahig.
Tumama pa yung gilid ng noo ko sa kanto ng starting block.At dahil masama ang pagkakabagsak ko ay pati balikat ko ay nadale.


Dahan dahan akong tumayo at napagewang ang pagkakatayo ko ng makaramdam ng hilo.Sigawan ng mga tao ang naririnig ko at para akong nabibingi.
Pinikit ko ang mata ko ng manlabo ito parang may pumasok na hangin sa tenga ko.Napaatras naman sina dave na gulat na gulat at naramdaman ko na lang na may pumatak na likido padausdos sa pisngi ko papuntang dibdib.



Kita ko ang gulat at takot sa mga kaharap ko.Tangina bulong ko nalang sa sarili ko at hinawakan ko pa yung noo ko at tinignan ko ang kamay ko na may dugo.



"Salvador what's the meaning of this..!!!!!!Umalis lang ako saglit nagkagulo na kayo..!!!!

Gumilid naman sina dave para magbigay daan kina coach.

Gulat ang nakarehistro sa mukha ni coach at mas nagulat ako ng nasa likuran nito si lance na nakatingin sa akin na may pagaalala.So kung hindi ako magkakaganito hindi pa nya ako susulyapan.
Wala akong panahon dito.

"Coach we didnt want to harm sebastian.He lose his balance.."pilit na pagpapaliwanag ni dave.

"What have you've done.Bakit umabot sa ganito.!galit na galit si coach at nakikita ko mukhang sasabog na ito anytime.


Leaving You Behind (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon