"Luke pasuyo naman ako table six,masakit kasi tiyan ko saglit lang ako promise."lumingon ako kay cherry at kinuha ko yung tray na may lamang alak.At naglakad na ako papunta sa table.Andito ako ngayon sa bar kung saan ako nagpapartime job.
Masuwerte ako at maganda yung sched na nakuha ko sa university.Im LUKE SEBASTIAN.20 years old archi student.
Mapalad ako at natanggap ko ang full scholarship na pinaghirapan ko kaya iniingatan ko ito.Dalawa nalang kami ng kapatid ko ang magkasama sa buhay.15 years old ako ng iwan kami ng mga magulang namin at nagkanya kanya na sila.Parang nung napagod sila ei bahala na kami ganun.Sa kasamaang palad ay sinalo ko na ata lahat ng kamalasan.Gising na gising ata ako ng magpaulan si lord ng kamalasan.Kaya ako nagpapartime gawa ng kailangan ko ng extra money marami din akong bayarin tulad ng sa apartment,food namin.Maswerte naman ako at may allowance na galing sa scholarship ko,napupunan nun ang iba naming pangangailangan namin magkapatid.I have a brother hes in highschool but sad to say parehas kaming sakitin kaya ako nagtatrabaho ngayon.I have asthma while my younger brother have a week lungs..Nakakalungkot lang isipin na sa murang edad nito ay nararanasan nya ang pait ng mundo.
Kaya ginagawa ko to lahat para sa kapatid ko one year nalang ay gagraduate na ako konting tiis nalang makakaraos din kami.Malaki ang tiwala ko sa panginoon na hindi nya ako bibigyan ng pagsubok kung hindi ko ito malalampasan.Kaya hanggat kaya ko ay kumakapit ako hindi pwedeng sumuko sa hamon ng buhay.
Nilapag ko na yung tray sa mesa ng makarating ako sa table six at marahang nilapag ang mga alak.
Mapalad ako at napakabait ng amo ko dito pinapayagan ako nitong magmask gawa ng mausok dito at marami ang naninigarilyo.Wala akong choice kung hindi ang magtiis basta hindi ako nakakalanghap ng maraming usok ay ok ako at etong trabaho ko lang ang nakakatulong sa mga gastusin namin.Paano ba ako nakapasok dito tinanggap ko to gawa ng malaki ang sahod at mababait pa ang mga kasama ko.Ang oras ko dito ay 5pm to 12 am.Ang pasok ko naman sa university ay 8am to 3pm.
Tumango naman ako sa mga kalalakihan na nagiinom at tumalikod na napatigil lang ako ng magsalita ang isa sa mga to.
"Luke mas maganda ka pag walang mask pwede mo bang tanggalin..?ano ako babae kahit kailan wala sa hulog tong lalake na to.
It's alex..Kaya kahit labag man sa loob ko ay hindi ako pwede magpakita ng pagkairita dito.
"You know the reason sir.."magalang na tanggi ko dito.Sa mahal ng gamot ko hindi ko ipagpapalit ang kalusugan ko sa request nito lalo na ang mga kagrupo nito ay parang tambutso na nagbubuga ng usok sa lakas manigarilyo ng mga to.
"Wala ka pala pre,hindi ka ganun kalakas kay luke.."napailing nalang ako ng kantyawan to ng mga kaibigan nito.Regular customer namin si alex.
Limang buwan na simula ng magtrabaho ako dito walang araw na hindi nito sinisira ang araw ko.Makulit to at laging eto ang pinagmumulan ng gulo dito.Wala nalang magawa ang manager sa kakapalan ng mukha nito.
"Name your price luke..."Napatingin ako kay alex ng seryosong nakatingin lang sa akin ito at sa nakikita ko mukhang hindi nito nagustuhan ang pagtanggi ko.Kilala si alex dito dahil sa pagiging basagulero.At isa ako sa laging binubully nito.
"Hindi po talaga pwede sir its for my safety.."
tanggi ko parin dito.Napalunok ako ng tumayo ito at lumapit sa akin.Isang dangkal nalang ang layo nito sa akin at nakangising tinititigan ako.
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Storie d'amore"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...