Isang linggo simula ng may nangyari sa amin ni luke.At hindi na ako nagulat ng magmulat to at patay na naman ang mata nito.Nagkalat na din ang tauhan ni lennon dito sa bahay ko.
So far wala na ulit paramdam si alex pero hindi ako pwedeng mapanatag at baka nagpaplano to.Bantay sarado ni carlo ang kapatid nito na pinagpasalamat ko.Lahat ng katransact ni luke about sa birthday ni sab ay dito ko nalang pinapapunta sa bahay para hindi na lumabas si luke.
Nagstart na din ang pageensayo nito about self defense.Yung pinakamagaling na tao ni lennon ang pinapunta nya dito para magensayo kay luke.Eto rin ang inatasan nya na magbabantay kay luke pag lalabas to.
Muntikan ko pa nga mabanatan to ng 1st day nito bilang trainor ni luke.Talagang hindi nagbigay ng awa to kay luke.Inawat lang ako nila lennon at kasama raw sa training yun.Kasama ba yun ei halos puro pasa si luke pagkatapos.Sila kaya ihagis hagis ko ng makita nila.Hindi naman umangal si luke at pabor pa raw dito at gustong gusto talaga nito ang nararamdaman na sakit.
Linux
Sir lalabas kami ni sir luke pupunta kami ng mall at kukunin daw nya ng personal yung pinagawa nyang gown ni mam sab..
Ok basta keep an eye of him..
Pinatay ko naman agad yung phone ko at humarap sa secretary ko.Inabot naman nito sa akin ang mga folder na kailangan ko.
"Sir a certain Mr Alexander Galves is reach out to us.He said he want an appointment with you.."
napaangat naman ako ng ulo sa narinig ko.Huh sya pa talaga unang lalapit ah."Reject him..tell him that im busy and i wont accompany him i have a busy scheduled.Once im free set an appointment.."tumango naman sa akin si felix at nagpaalam na lalabas na.
Ang kapal ng mukha nito para magpakita pa.Gusto na ata agad nitong makilala ang impyerno.Bumalik ako sa ginagawa ko at kailangan ko tong tapusin lalo na at malapit na ang bday ni sab need ko ng leave at gusto ko makasama ng matagal ang magama ko.
Napangiti ako sa naisip.Hindi lang si luke ang tinanggap ko pati ang anak anakan nito.Isa sa dahilan si sab bakit bumalik si luke.At parehas kami mahilig sa bata ni luke.Binalak pa nga namin na magsurrogate at gusto namin ng minimi namin dalawa.Kahit sino mahuhulog kay sab napakasweet nito at napakabait,matalino pa.
Hindi ko namalayan ang oras at alas sinko na ng hapon.Dala ang attaching case ko ay tumayo na ako.Hinilot ko pa ang sentido ko ng makaramdam ako ng hilo.Fuck wag ngayon..Sumandal lang ako saglit at ng mahismasmasan ako ay tumayo na ako at lumabas ng office ko.
Nagpaalam naman ako sa secretary ko na mauuna na ako at mukhang maya maya pa to.Kaya tumango lang ako diyo bago dumeretso sa elevator..
Nasa byahe na ako pauwi ng tumunog ang phone ko at nakita ko ang chat ni luke na nagpapabili ng icecream.Napangiti ako ng makitang si sab ang nagtype ng message malamang ay kinukulit na naman ang papa nito.
6pm nang makarating ako sa bahay.Bitbit ang pasalubong ay excited akong pumasok ng bahay.Tili at tawa ang sumalubong sa akin.Isa to sa dahilan bakit ako lagi excited umuwi kasi alam kong nagiintay sina luke at sab sa akin.
Naabutan kong nakaupo si luke sa sahig habang busy to sa ginagawa.Nakatali ng dalawa ang buhok nito na nagpangiti sa akin.Ang cute tignan ng ayos nito para tong bata.Mga card at colored paper ang nagkalat sa sahig.Inabot ko kay manang ang mga dala ko at dumeretso kay luke na hindi ata ako napansin at ayaw maistorbo.
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Romance"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...