Mahigit isang linggo na simula ng mangyari ang insedente na pagkuha ni alex kay luke,ang pagbaril ni luke kay alex,ang pagkahulog ng mga ito sa bangin.Halo halo ang emosyon ko ngayon.
Akala ko hindi ko na ulit mahahawakan si luke,ng tumalon si linux kasunod ng mga to ay nagmamadali kaming umalis at pinuntahan kung saan banda yung pinaghulugan nila luke.Naabutan namin si linux na binibigyan ng firstaid si luke.Nang maibalik ni linux ang pulso ni luke ay agad naming tinakbo sa pinakamalapit na hospital si luke.
Ilang santo ba ang tinawag ko para lang mailigtas si luke.Si linux ang nagpresintang magoopera kay luke at thanks god at kilala si linux sa hospital na to.Ilang oras ba ako naghintay sa operation room lalo na at may tumusok na matalim na bagay sa katawan ni luke.
Mga dalawang araw lang ay natagpuan ang katawan ni alex.Mas ok nga kung hindi na at mas gugustuhin ko pa na pinagpyestahan ng pating ang katawan nito.
Wala naman kumwestyon sa amin sa pagkamatay ni alex lalo na at may tama ng bala to sa ulo.Ang iniisip ko ay ang paggising ni luke sisisihin nito ang sarili nito.
Tahimik lang ako na nakaupo sa isang upuan na nakaharap kay luke.Hawak ang kamay nito,unti unti na ding nagkakakulay ang maputlang balat nito.May benda ang ulo nito gawa ng pagkakauntog ni alex dito at lakas ng impact ng bumagsak sila sa tubig.
Natapos man ang problema namin pero si luke naman ang kapalit.Umaasa akong magigising si luke hindi nya ako pwede iwan at nangako kami sa isat isa na magmamahalan pa kami hanggang pagtanda namin.
Nakatitig ako sa mukha nito na mahimbing nantutulog at maraming aparato na nakakabit sa katawan nito.
Andito lahat ng kaibigan namin,araw araw silang dumadalaw para kamustahin ako at si luke.Kailan ka ba gigising sleeping beauty..?I miss you babe,come back please...
"Lance kumain ka muna para hindi ka
manghina."napatingin ako kay chloe ng abutan ako ng pagkain nito.Sa totoo lang wala akong gana lalo na at walang kasiguraduhan kung gigising ba si luke."Hindi gugustuhin ni luke na makita kang ganyan lance.."
"Tara na dito para makakain ka ng maayos,
pumapayat ka na..ikaw din pagnagising si luke hindi ka na pogi sa paningin nya.Napangiti ako sa sinabi ni chloe kaya sumunod na ako dito para kumain.Sabay sabay na kami kumain lahat at nagkekwentuhan kami para mawala yung tahimik na atmosphere.
Napalingon kami kay sheena ng mabitiwan nito ang baso at gulat na nakatingin sa kama ni luke.
Lumingon naman kami lahat dito at para akong sinipa sa dibdib ng makitang nakamulat ang mga mata nito.Dali dali kong iniiwan ang kinakain ko at nanginginig ang kamay na hinawakan ito sa kamay.
"Babe you're back..",i miss you babe,thanks god youre back.."hindi ko na napigilan ang umiyak,miss na miss ko na talaga kasi to ei,gustong gusto ko ng umuwi kami.
Pinindot naman agad ni chloe yung button sa gilid ni luke.At maya maya lang ay pumasok si linux kasama ang ibang doctor at nurse.
Tahimik lang kami nanonood ng tanggalin isa isa ang aparato na nakakabit dito.Lumapit pa si sheena bitbit ang baso ng manghingi ito ng tubig.Ineksamin naman ito ng mga kasama ni linux at maya maya lang ay pinalibot nito ang paningin sa amin.
Bakit parang kinakabahan ako lalo na ng magtama ang mga mata namin at parang wala lang dito na nilagpasan ako ng tingin.
Nahigit ko ang hininga ko ng magsalita si luke at para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig mula kay luke.
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Romance"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...