LYB 18

3 1 0
                                    


Nasa kasarapan na ako ng tulog at hindi ko alam kung ilang oras naba akong tulog.Ayoko pa bumangon at hindi pa kompleto ang tulog ko.

Naramdaman kong may yumakap ng mahigpit sa akin at hinalik-halikan ang leeg ko.Alam kong si luke ito base sa pabango nito.Naiiritang bumangon ako at tinanggal ang mga braso nito na nakayakap sa akin.

"What are you doing here..?nakita mong nagpapahinga ako diba ang aga aga luke..!!!nababanas na wika ko rito at mas lalo akong nabwisit ng makita ang mukha nito.Hindi ko alam iba yung ugali ko pag nagseselos at pag nagagalit,
kaya ayoko muna makita to ngaun.


Ayoko magpadala sa anghel anghelan na itsura nito at nagtatago lamang ito sa inosente na mukha tulad ng pagkakakilala ko rito..


"I miss you lance bakit hindi ka nag sabi na nakauwi ka na..?tanong nito sa akin at kahit ang boses ni luke ay naiirita ako. Napakamot ako sa ulo ko at nabibwisit na tinignan to.



"kailangan ba lahat ng galaw ko sasabihin ko sayo luke..?angil ko dito.

Hindi makapaniwala na nakatingin sa akin si luke Hindi siguro nito expect na mainit ang ulo ko. Yumuko lang ito at maya maya ay tumayo at nagpaalam na aalis na.Mabuti ng umalis sya at nakakaistorbo lang sya sa tulog ko.


"B-babalik n-nalang siguro ako.Sorry kung naistorbo ko ang tulog mo.Babalik nalang ako pag hindi na mainit ang ulo mo.."at nagmamadaling tumalikod na to at lumabas ng condo ko.


Tssskk hindi nya ako madadala sa paawa nyang ganun.Bakit ubos naba yung hiningi nya kay mom.
Huh if i know ipagpapalit nalang ako sa kaparehas pa nitong hampas lupa.Ngayon babalik sa akin na parang walang nangyari.Sa totoo lang nilalamon ako ng galit ngayon.Hindi ko alam kung kailan ako kakalma.


Bumalik ako ng higa sa kama at bumalik sa pagtulog wala akong panahon sa kadramahan nito ngayon.


Hawak ang dibdib ay lumabas ako ng condo ni lance.Hindi ko alam bakit ganito ang galit nito sa akin.Magpapaliwanag naman ako kung about sa hindi ko pagsagot ng tawag ang kinagagalit nito.


Napailing nalang ako at bibigyan ko muna ng space si lance alam ko pag galit to aabot na naman ng ilang araw bago ako pansinin nito.Ang kinatatakot ko ngayon ay hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko sa kanya.Ako nalang ba lagi ang susuyo.


Ilang araw pa ang lumipas at halos hindi ko nakita kahit anino ni lance.Nagbabakasakali rin ako at nagpupunta ako sa condo nito.Hindi ko naman alam kung nasa loob to at hindi na din ako makapasok sa condo nito at nagpalit ng code to na kinataka ko. Minsan inaabot ako ng dose oras sa pagiintay dito.


Lagi ring patay ang phone nito at hindi ko macontact.Ilang araw na ding nagiinom ang mga kaibigan namin pero kahit anino ay hindi ko nakita.
Naapektuhan na rin ang trabaho ko at minsan ay wala ako sa sarili.Napapansin na din nila cherry na nabawasan ang timbang ko at minsan ay nalilimutan kong kumain dahil sa stress.

Pagkatapos ng duty ko ay dumeretso ako ng uwi sa condo ni lance at magbabakasakali ulit ako na makausap ito.

Parehas pa kaming nagkagulatan ni lance ng magkasalubong kami sa elavator.Nilagpasan naman ako nito kaya nagmamadaling humabol ako rito at nakarating na kami sa parking lot..

"Lance wait...kausapin mo naman ako.May problema ba tayo..?Babe i miss you plss talk to me...Naiiyak na sambit ko dito at ng maabutan ko to ay niyakap ko si lance ng mahigpit mula sa likuran.

Napasubsob naman ako sa semento ng itulak ako nito palayo at tinignan ako na tila nandidiri..Hindi ko na ininda yung sakit dahil gulat na nakatingin ako kay lance at hindi makapaniwala na tinulak ako nito at parang walang pakealam kung nasaktan ba ako o hindi.


Leaving You Behind (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon