Nandito na kami sakay ng private plane ni lance pauwi ng pilipinas.After a month ay hindi namin expect na sabay manganganak yung mother na kinuha namin.At hindi ko alam abot abot langit ang pasasalamat ko at tulad ng pangarap namin ni lance ay kamukha namin parehas yung mga anak namin.
Parang kambal nga kung tutuusin at talagang mini version naming dalawa,kulang nalang ay mapunit yung pagkakangiti ko habang hawak hawak si xavier eto yung anak ni lance at ang akin naman ay hawak ni lance na si xennon.
Tiyak na matutuwa si sab pag nakita na nya yung mga kapatid nya,sobrang saya sa puso lalo na natupad na lahat ng pangarap namin.At ang Hudyo nextyear daw ulit at bubuo sya ng basketball team.Wala naman problema lalo na at gusto ko din ng maraming bata sa bahay.Sa laki ng bahay ni lance mukhang magtatagu taguan kami dun at iilan lang kami.
Hindi ko maiwasang ngumiti ng makitang titig na titig si lance sa mukha ng anak namin.
"It exactly looks like you babe.."bulong ni lance at napatawa pa ako makitang lumuluha na naman ang mga mata nito.
Sa hospital palang ay grabe na ang kaba namin lalo na nung pinakita sa amin yung baby namin at talaga ang Hudyo ilang oras talaga syang umiyak.
"You're crying again babe.."Pinunasan ko yung mata nito at pinatigil na sa pagiyak.
"I'm happy really I am babe.,it make me complete,we complete babe you and our sab and our little angels.."
Nakikita ko palang na masspoiled tong mga bata na to,sa gc palang nung pinakita na namin yung picture nila ay kanya kanya na sila ng bili ng gamit at pinadala pa sa bahay.Buti nalang at malaki ang kwarto na pinaayos ni lance.
About naman sa mother na nagdala sa mga anak namin ni lance ay binigyan namin sila ng bonus na malaki lalo na at inalagaan talaga nila ang anak namin.Gusto ko pa nga sila magstay at makasama nila ang mga bata kahit tao weeks pero tumanggi sila.
Sinabihan ko naman sila na anytime ay pwede nilang dalawin ang mga bata sa pinas at syempre sasagutin namin yung expenses.Sobrang pasasalamat ko sa kanila.
Ilang oras man ang byahe namin pauwi pero hindi ako natulog hindi ko alam pero gusto ko lang sila titigan at ganun din si lance nagkwentuhan lang kaming dalawa buong byahe at pag iiyak naman ang mga anak namin ay ako ang nagtitimpla ng gatas nila.Bago kami pumasok sa ganito ay inaral talaga namin dalawa ni lance lahat kaya medyo gamay ko na itong ginagawa ko.
Hapon ng makarating kami ng pinas,sinalubong kami ng driver namin pagod at antok man ay alam kong hindi ako pwdeng matulog paguwi nalang.
Nagpapasalamat ako kay manang at kinuha nito ang dalawang pamangkin sa probinsya kaya may katulong ako sa pag-aalaga mga naka namin.
Nakauwi kami na medyo madilim na at rinig mula dito ang ingay na nagmumula sa sala.Hindi naman sila excited no..
Tili ni sab nag sumalubong sa amin at ngiting ngiti na nakatingin hawak namin ni lance.
"My god my baby brothers finally..." napangiti ako ng tila magpapaalam pa si sab kung pwede nito hawakan ang mga kapatid nya.
"I promise to protect both of you from other girls my baby brothers,hindi pa kayo nalake pero mukhang marami na kayong mapapaiyak na babae.."napatawa kami ng malakas sa sinabi ni sab mukhang naturuan na naman to ng mga Hudyo naming kaibigan!
"Ang cute ng anak nyo talagang kamukha nyong dalawa.."
"Para silang kambal lalo na yung isang to oh kamukhang kamukha ni luke.."
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Romance"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...