"Are you ready babe.?tanong sa akin ni lance habang inaayos nito ang necktie ko.Ngaun kasi ang Anniversary ng mga Galvez at sa limang taon ngayon ko lang ulit makakaharap si alex.
Sa ilang buwan na nakasama ko si lance eto na siguro yung pinakaiintay namin para matapos ang lahat pinaghandaan talaga namin to kaya hindi ako pwedeng umatras.
Napangiti ako ng haplusin ni lance ang pisngi ko lalo na sa dating may pilat.Wala ng pilat doon at yun yung last na pinatanggal namin.
"You look handsome tonight babe..mukhang marami na naman akong makakaagaw.
Natatawang piningot ko ang ilong nito.At kitang kita na naman sa mukha nito ang selos eh sya nga nagsimula.
"Gwapo ka rin naman babe..Mas nakakatakot at mas marami akong kaagaw..!!!lambing ko rito para mawala yung pinagiisip nito na kung ano ano.
Para kaming kambal sa mga suot namin parehas kami naka three piece suit tas ang hudyo ay nagpakulay din ng tulad sa akin.
Nakarating na kami sa venue at masasabi mong marangya dahil sa mga mga bigating bisita nito.Yung iba ay mga kilalang tao sa lipunan.Nang makababa kami sa kotse ni lance ay halos masilaw ako sa kislapan ng mga camera.May mga reporter pa na lumapit sa amin at buti nalang ay maagap ang mga tauhan ni lennon at matiwasay kaming nakapasok sa loob.
Mahigpit ang pagkakahawak ni lance sa isa kong kamay at imbes na yumuko ako ay taas noo akong nakatabi kay lance.Bakit ako yuyuko sa mga to.
Pinagmasdan ko ang paligid at halos sa amin nakatingin lahat lalo na sa kamay namin ni lance na magkahawak.Maraming babae talaga ang iiyak pero mas maraming kalalakihan ang nakatingin sa amin.Nakangiting sinalubong kami ng tatay ni alex sa pagkakatanda ko hindi ko man to personal na nakita noon pero base sa itsura nito ay may pagkakahawig ang dalawa.
"Its nice to see you here lance hijo..almost 5 years the last time i saw you.."halos mapaismid ako sa ngiti nito mukhang plastic naman nakakasuka yung pagmumukha eh.
"And who is this handsome man next to you?sa akin na nabaling ang tingin nito at napasulyap pa to sa mga kamay namin ni lance.Hindi ba nito alam na halos mapatay na ni lance ang anak nito dati.
"He's Luke Sebastian my husband."napangiti ako ng halos magsinghapan ang mga nakapaligid sa amin at nagulat naman ang kaharap namin.
"Oh i thought you and audrey..?do your parents know this?kung wala lang mga tao ngayon baka inumpog ko na ang ulo nito.
"No, and I don't care if they don't want our relationship,they are not the ones I will marry..
Please excuse us.!magalang na paalam ni lance dito at halos hindi na nakasagot ang matanda ng lagpasan na namin ng lakad to ni lance.Napangiti ako ng matanaw sina lander at pheonix aa isang table kaya dito na kami tumabi ng upo.
Nagpaalam lang saglit si lance at maya maya lang ay may bitbit na itong pinggan na naglalaman ng pagkain.Isa lang ang dala nito at alam ko ang ibig iparating nito magshashare kami ng pagkain."Para kayong kambal.."natatawang sabi sa amin ni lander at nix.
"Ewan mo dito kung ano ang trip mukha tuloy kaming dalawang jack frost."sagot ko sa mga to habang sinusubuan ng pagkain si lance.Ang hudyo hindi na nahiya malamang nito bukas laman kami ng balita.
Inagaw naman ni lance ang kubyertos sa akin at eto naman ang nagsubo sa akin.Hindi naman kami mukhang gutom,hindi kasi kami kumain sa bahay kaya pasensya na sa isip isip ko.
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Romansa"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...