Dumating ang graduation ko at halos matawa ako kasi buong kaibigan ko ang nandito na umattend sa graduation ko.Sobrang saya sa dibdib at nakapagtapos na ako.Natupad na yung isa sa mga pangarap ko.
Halos mapuno yung sasakyan ni lance ng mga regalo ng mga ito.Atlast tapos na din ako at Magna cum laude ako.Late man ako pero natapos ko yung pangarap ko.Pinagbutihan ko talaga yung taon na to gusto ko maging proud sa akin si lance.
Halos mapaiyak pa ako ng magbigay ako ng speech at pasalamat sa mga kaibigan ko na hindi ako iniwan.Sinama ko si lance sa mga kaibigan ko para hindi ako mahalata.Eto yung start ng pagpapanggap ko.
Sinalubong ako nila lance ng makababa ako ng stage at nagpicture pa kami.Nakailang shot pa kami at ang siraulong nikolai may pawacky pang nalalaman.
Napatigil naman yung mga kaibigan ko ng marinig ang matinis na boses papunta sa amin,napangiti ako ng makita si erica.
Muntikan pa akong mabuwal sa pagkakatayo ng tumalon sa harapan ko si erica at niyakap ako ng mahigpit at hinalikan ako sa pisngi malapit pa sa labi ko.Mamaya makakatikim ng sabunot sa akin to ei.
"Congrats babe...congrats to us finally were graduate babe with flying colors,im proud of you..!!napangiti ako rito habang nakatitig sa mga mata nito para makatotohanan.Natatawang hinawakan ko sa bewang si erica ng mahigpit at pabulong na sinabi na humanda sya sa akin mamaya.
"Owwwwww....!!!napalingon naman kami sa mga kaibigan namin na nakatulala at nabigla.
Napansin ko pa si lance na parang tinakasan ng kulay.Napatingin ako sa mga kamay nito na nakakuyom.Fuck sorry lance ilang linggo nalang naman.Parang naluluha pa ito na nakatingin sa amin.Nakangiti akong humarap sa mga kaibigan ko habang hawak ang bewang ni erica at pinakilala dito isa isa.
"Guys this is erica may girlfriend..!!sorry now lang napakilala naging busy lang..!hinging paumanhin ko sa mga ito.
Nakangiti naman nilang binati si erica kahit alam kong kaplastikan lang ang pinapakita ng mga to.Lalo na ang mga girls na masama ang tingin dito.
"Ahmm lets go guys nagpareserve ako ng table natin sa restaurant ko..!!nakangiwing sambit ni lander at nauna ng tumalikod sa amin.
Sumunod naman kami kina lander at akay si erica ay naglakad na kami.Akward kami dito sa loob ng sasakyan at ang kasama namin ay sina carlo,
nikolai,rafael at lance.Masyadong ginalingan ni erica ang pagpapanggap at pwede ko ng palakpakan to ng mga bente.
Kinuntsaba ko kasi to at ang gaga pumayag naman lalo na at may gusto kay chloe ito.Sinabihan ko pa itong huwag matutulala at mahahalata kami.
"Babe sa condo ko na ikaw matulog mamaya plsss..???paglalambing nito sa akin na sinabayan ko naman.
"Sorry babe pagkatapos kasi nito may after party sa bahay ni lance.Ikaw nalang ang sumama sa akin malaki naman yung kwarto ko ron.
Pagpaalam kita kay tita..hmmnnn..nakaakbay ako sa balikat ni erica at nakayakap naman ito sa bewang ko at ang lola nyo sumandig pa sa dibdib ko.Lumingon ako kay lance na nasa tabi ko at tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana.
"Ahm lance ok lang naman diba na magsleepover si erica..?tanong ko rito.
"Yes no worries..!napatawa ako sa isip ko at parang labas sa ilong nito ang pagpayag.
Hindi ko naman na pinansin to at nakipagharutan nalang kay erica.Medyo maharot kasi tong babae na to ei.Kahit gustong gusto ko ng sunggaban yung mga labi ni lance ay pinipigilan ko.
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Romance"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...