Yung pagasa na kinakapitan ko sa sinabi ni carlo ay naguho ng parang bula.Simula kasi ng matapos ang inuman namin ay hindi ko na nakita si luke laging late umuwi to minsan pa nga ay ilang araw na hindi nauwi.
Heto kami sa sala at tahimik lang akong nakikinig sa mga to.Isang bomba lang naman ang uwi nito sa amin.Nakatingin ako sa magkawak kamay ng mga to nakatitig lang ako sa suot ng mga to na singsing.
Apaka cheap silver lang ata yun kung ako yan buong diamond ang ibibigay ko kay luke.Naiiyak ako ng binalita ng mga to na magpapakasal na sila at ang napili pa talagang date ay anniversary namin.which is nextweek na.Andito kami at sinususukatan kami kasama si carlo at sab.How ironic dati kong lover ngayon ako pa ang kinuhang bestman.
Wala na talo na talaga ako..Pagkatapos akong sukatan ay umakyat na ako sa taas at bastos man sa bastos binalibag ko ng malakas yung pinto.Baka sakaling matauhan to.
Kami nalang ang naiwan ni chloe dito sa sala at nagkatawanan pa kami.Nagusap pa kami saglit at napagdesisyunan nito na umuwi na ihahatid ko sana to ng tumanggi to at may lakad pa raw to.
Napangiti ako ng tumawag si linux at sinabi nitong ready na ang lahat at kami nalang ang kulang.
Malaki ang pasasalamat ko rito at malaki ang naging bahagi nito sa mga plano namin.Umakyat na ako sa taas at nakangiting naglalakad ng mapatigil ako sa harap ng kwarto ni lance.Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pagbabasag ng gamit nito.At maya maya lang ay narinig ko ang pagiyak nito.Parang nadudurog ang puso ko.Parang hindi ko na kayang magpanggap.
Parang ayaw ko na kung ganito namang nasasaktan ko na si lance.Lumayo na ako sa pinto ng kwarto nito at pumasok sa kwarto ko.Naligo ako at nagbihis.Tinawagan ko lahat ng kaibigan namin bukod tanging si lance lang ang walang alam.Aamin na ako hindi ko na kayang magpanggap.Baka maging epic pa ang kalabasan ng suprised ko medyo may pagkaabnoy pa naman magisip si lance
Sinama ko si erica sa bahay nila lander at hinubad na rin namin yung singsing.Andito na kami ngayon sa sala at tahimik ang mga kaibigan ko.Kinuwento ko naman sa mga to yung plano kong supresa kaso napasobra ako.
Hinintay ko pa yung reaction ng mga to maya maya lang ay nagtalunan na ang mga to payakap sa akin.
At ang mga gago kulang pa daw yung ginawa ko kay lance wag daw akong maawa.Dapat daw ay dinagdagan ko pa."So kailan pa bumalik yung memories mo..?tanong nila sa akin.
"Two weeks after my graduation..!sagot ko sa mga to.
"Grabe magisang buwan na natiis mo si lance ng ganun..?sabagay pero lubusin mo na sa kasal nyo na mismo ikaw umamin..!!!nagtawanan kami lahat sa suggestion ni jane.
"I want to proposed him three days after of our wedding..!!!Hindi ko na kaya naririndi na ako sa iyak ni lance...!!.natatawang sumbong ko sa mga to.
Sinabihan ko ang mga to na huwag sabihin kay lance na may alam na sila at ang mga gago hahanda daw nila yung cp nila para makita yung reaction ni lance at makaganti raw dito.
Dumating yung araw na pinakahihintay ko at andito kami lahat sa labas ng bahay ni lance.Mahabang table ang nilatag namin at sari saring pagkain ang nakalatag.At ang hindi magpapahuli ang main event ang gin grapes ni lance.Ang akala ni lance ay bachelor party to pero hindi nya alam ay para sa kanya tong party na hinanda namin.
Ang mga hudyo at inasar pa si lance na huling timpla na raw nito ng gin sa akin kaya nagtawanan kami.Katabi ko parin si erica at matatapos ang pagpapanggap namin once na magpoprosed ako mamaya.Napansin ko namang nakatingin si lance sa mga kamay namin at nakakunot ang noo baka nagtataka to na wala na kaming suot na singsing.
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Romance"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...