"So anong plano mo lance..?titignan mo nalang talaga sa malayo si luke..?
"Dude parang hindi ikaw yung lance na kilala namin,aba galaw galaw baka maunahan ka pa ng iba sayang yung ilang taon nyong relasayon..
"Bakit hindi ka pa gumagawa ng move.??paano ka nya maaalala ei kung hindi mo naman pinaalala sa kanya kung anong meron kayo..?
"Gagraduate na lahat si luke,isang taon ka na magisa nagdurusa,tinitignan sya sa malayo.
"Paano ka maalala ei kung ikaw mismo ang naiwas..!
"Matagal ka ng nagaantay baka time na to para ipakilala mo ng tuluyan yung sarili mo sa kanya..?
Napatakip ako sa bibig ko ng hindi sinasadyang marinig ang usapan nito kasama sina lander at pheonix.Andito lahat ng kaibigan namin at weekends ngayon.Dalawang linggo nalang at makakapagtapos na ako.
Kahit wala akong maalala ay alam kong may nararamdaman ako kay lance.Kahit ako gustong gusto ko ng bumalik yung alaala ko hindi ko kaya na tinitignan lang nya ako mula sa malayo.
May naguudyok sa akin na kausapin to kaso natatakot akong mareject...Fuck ano ba kasi talaga ang nangyari sa akin.
Magisang taon na kaming magkasama sa bahay pero never kami nagkausap ng matagal nito.Pag may itatanong lang ito ay yun lang ang pagkakataon na makausap ko sya.
Laging wala sa bahay si lance maagang naalis to at gabing gabi naman uuwi.Pero kahit ganun ay ramdam ko ang suporta nito at pagalalay sa akin kahit pinapadaan lang nya sa pamamagitan ni carlo.
Ilang linggo na rin ng matuklasan ko na pasimpleng pumapasok pag gabi sa kwarto ko si lance at ang kinagugulat ko pa ay ang paghalik nito sa akin.
Lately din ay madalas akong managinip na kasama ito masaya kami sa panaginip ko parang yung collage days namin.May naalala na ako pero ayokong pilitin at baka sumpungin na naman ako.Ang naalala ko palang dito ay nakarelasyon ko ito at nastop yun ng maghiwalay kami at bumagsak ako sa pagaaral hindi ko sila kasabay grumaduate.
Hanggang duon lang kahit anong pilit ko ay wala na talaga akong maalala.Minsan bangungut naman ang napapanaginipan ko parang nasa mental ako at nakulong ako ng ilang taon dun.Meron pa yung nakita ko mismo yung sarili ko na may pilat sa pisngi.
"Mas gugustuhin ko ng makita sa malayo si luke kesa ipagpilitan ang sarili ko,tulad ng pangako ko sa kanya ,bubuuin ko ulit sya pag natapos lahat ng problema namin.Kahit masakit tanggap ko hanggang maalala nya ako,pangako namin sa isat isa yun na babalik sya sa akin yun yung pinanghahawakan ko kahit durog na durog ako ngayon.Sinabi ko sa kanya na unahin nya sarili nya gusto kong ipagpatuloy yung hindi nya natapos nuon,gusto kong makuha nya lahat ng pangarap nya at pagnatapos na sya at nagsawa andito pa din ako nagiintay sa kanya buong loob na tatanggapin sya.Sino ako para hadlangan sya ngayon lalo na at nakikita kong nageenjoy sya kahit masakit sa akin na minsan ay iba ang kasama nya at nagpapatawa sa kanya.Sino ako para kunin sa kanya yun ngayon..?
"I want the best for him,kung nagawa nyang magintay ng matagal nun kahit abutin kami ng ilang taon ngayon kahit pumuti pa ang buhok ko hihintayin ko sya..ganun ko sya kamahal.."
"Kung hindi lang dahil sa demonyong alex na yun masaya na sama kami ni luke ngayon..!!
Dahil hindi ko na kaya ang mga naririnig ko ay tumakbo ako sa kwarto ko.Nanginginig ang mga tuhod na na napaupo ako sa kama ko.Tama ako...
tama ako may relasyon kami,ang sakit sa akin na nahihirapan si lance fuck bakit ayaw pang bumalik ng alaala ko nakakatangina.Sinuntok suntok ko pa yung ulo ko baka sakaling bumalik.
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Romance"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...