Masaya ang naging byahe namin papunta sa resthouse ni lance.Nagulat ako ng magising ako na katabi ko si lance ng tinanong ko naman to kung ano ang nangyari ay umiling lang to at nagsabi na gusto akong makatabi.Baka mamaya kasi inatake ako ng sakit ko nakakahiya yun.
Nakarating na kami at parang bata ang mga kasama namin na nagtakbuhan.Napangiti ako ng maalala ang unang pagpunta namin dito.Maraming alaala ang ang nagflashback sa akin.
"Papa ang ganda dito...agaw pansin sa akin ni sab habang buhat ko ito..
Napangiti naman ako totoo naman kasi ang sinabi nito nakakarelax dito.Napalingon naman ako kay lance ng akbayan ako nito.Ngumiti lang ako rito at sabay na kami pumasok sa bahay.
Kanya kanya naman ng piliian ng kwarto ang mga hudas.Habang kami naman ni lance ay sa masterbedroom nito matutulog kasama si sab.
Pumayag na rin ako kasi wala naman akong magagawa.Nang matapos kami magayos ay pinagbihis ko na ng panligo si sab kasi kanina pa to nagyaya maligo.
Summer short lang ang suot ko at polo hindi ko alam kung maliligo ba ako natatakot ako pag hinubad ko ang damit ko.Niyaya naman kami ni lance na bumaba na at nakahanda na ang kakainin namin.Pumunta na kami sa dalampasigan at naexcite ako ng sinabi nitong magboodle fight kami.Nang makalapit kami ay halos andun na lahat at mukhang kami nalang ang inaantay.Nagpalapag naman si sab at lumapit sa anak nila lander.
Pinagbalat ko ng hipon si lance habang ito naman busy sa paghihimay ng crab.Nagulat ako ng subuan ako nito.Hindi na ako nakatanggi at ang gagong nikolai nabuga pa yung iniinom kaya napatawa ako.
"Comeback..?
Namumulang yumuko ako at hindi ko kaya yung titig nila sa amin na may halong pangaasar...
"Mukhang nag1st move si lancelot ah...wag marupok luke mga 5 years bago mo sagutin yan..natawa naman ako ng pasakan ni rafael ng pagkain ang bibig ni nikolai...
"Hindi ka na naman nakainom ng gamot lai..."bigkas nito kay nikolai at tinignan lang ng masama nito sa rafael kaya nagtawanan kami lalo.
Matapos namin kumain ay nagpahinga muna kami habang ang mga babae naman ay naligo na kasama ang mga bata.Nakahilera kami lahat dito sa mga nakalapag na payong.Mamaya na ako lulusong at kinakabahan ako.
Ilang sandali lang ay nilapitan na ako nila sheena at pilit na tinatayo para maligo na din..
"Fyi luke dagat to bakit nakapolo ka hubarin mo yan.."Angal ni chloe sa akin.
"Hmm mangingitin kasi ako.."pagdadahilan ko rito..
"kailan ka pa naconcious sa kulay mo wag kami luke.."lumingon naman ako kay lance at tila nanghihingi ng tulong dito..Tinawanan lang ako nito kaya sumimangot ako.
"Take that off...sigaw ng mga hudyo at mga nagtawanan pa..
Napapikit naman ako at naghiyawan pa ang mga to ng dahan dahan kong hubarin ang polo ko.
Tumahimik naman sila ng tuluyan kong mahubad yung polo ko.Rinig ko pa ang mura ng iba ng masilayan ang likod ko.Alam ko naman kung bakit dahil sa puti ko kitang kita kung paano punuin ng mahahabang pilat ang likod ko.Sina chloe naman ay walang kaalam alam na nakatingin sa akin at ngumisi pa sa akin to.
"We dont know that youre naughty luke...
dumungaw pa to para makita si lance.
BINABASA MO ANG
Leaving You Behind (bxb)
Romance"Our love is like a whirlwind romance. The first time I saw you, you immediately captured my heart. There were many trials that came to us and we were able to overcome them. But will we be able to make it to the end if I am the first to give up on b...