C3. Ang Plano

15.2K 274 6
                                    

Justine's POV

" What the hell, Jus?! Are you out of your mind? Ano na namang kabaliwan ang pumasok sa kukote mo, ha? Naka-drugs ka ba? " bulalas ni Prei sakin.

Napasimangot naman ako. Kahit kelan OA talaga 'tong si Prei.

" Gagi! Seryoso ako. Ang kelangan ko lang ay ang mapalapit kay Marco Elizalde. And make fall for me. Kabaliwan ba' yon? "

" OO! Isang malaking OO! Kung hindi ka ba naman nasasapian, Justine Lei, bakit mo naman gagawing totohanan yang sinusulat mong nobela! I really thought, may sumpong ka lang o kaya may PMS ka kahapon kaya mo sinabi yun. But hell! Totohanin mo ngang gaga ka!" nanlalaki nyang matang sermon sakin.

Napanguso ako. Kainis 'tong si Prei.

" I need this break, Prei. Ito lang ang paraan na naiisip ko para makuha ko ang big break na' to sa writing career ko. 'te, teleserye ang pinag uusapan dito. Primetime slot pa at higit sa lahat hindi pipitsuging network. Kapag napili yung novel ko, matutupad na ang pangarap ko. To watch my novel in motion. "

" Pero Jus. This is too much. Sige nga aber, sakyan natin yang out of this world mong idea, pero ano ang plano mo para mapalapit sa prospect mo na yan? " she further scrutinized.

Aba, at ako pa ang hinamon ng bruha. I smirk.

" Syempre, hindi masasayang ang eye bags ko para sa pagpaplano 'no. Baka nakakalimutan mong accountant ako. Mag aapply ako sa GMC tapos kapag andun na ako, gagawan ko ng paraan na mapalapit sa kanya. Ganon lang kasimple. " kibit balikta na sabi ko.

She rolled her on eyes on me.

" See, napaka-vague ng plan mo. Wala kang masabing details. Oh, granted na makapasok ka sa kumpanya nila, paano ka naman makakapasok sa buhay nya,aber?"

" Ikaw, wala kang bilib sakin. Prof ko yung mommy nya, chichikahin ko lang si Prof. Madali na lang yun best, tiwala lang. " sabi ko pa.

" Bahala ka na nga, Justine. Basta mag iingat ka. Tandaan mong puso ang pina-uusapan natin dito. Fragile. Vulnerable. Lalo pa at ang prospect mo ay kakagaling lang sa heart-break. "

" Alam ko naman 'yon. Kaya nga ako dadating sa buhay nya to mend his broken heart diba. " napatungo ako. I know I have to confess this to her. Hindi nya kasi ako titigilan. " Tsaka, dream come true' to para sakin. Matagal ko na syang crush, pero hindi naman nya ako napapansin sa tuwing sinasama sya ni Prof sa klase namin. Tataya din ako dito, Prei. Puso ko din ang nakasugal. But I want to give it a try." there. I said it. There's no use of hiding it.

Matagal ko na syang gusto pero hindi ko sya maabot. Bukod sa napaka-gwapo ay napakatalino at napakamapag-mahal sa parents nya. Natigil lang naman akong mag-ilusyon nang maging CEO na sya ng GMC Inc. Napaka imposible naman kasi, ang layo ng agwat namin. Isa akong abang writer, samantalang siya ay tagapagmana ng buong Elizalde Empire.

" Ayun. Lumabas din ang katotohanan. Sinasabi ko na nga bang may hidden agenda ka dyan sa plano mong yan. Dahil hindi ka gagawa ng ganyang kabaliwan without a deeper reason behind it. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Isa lang naman akong kaawa awang bestfriend mo na walang magawa kundi suportahan ka. " she said knowingly.

" Grabe ka naman Prei. Kaawa awa talaga? Ikaw nga ang laging umaalila sakin eh. "

" Joke lang syempre. Mukha ngang magdidiwang na ako dahil sa wakas, tao ka pala, ano? " she chuckled.

" Tse. "inirapan ko sya. Pero lalo naman syang tumawa.

" Akalain mong tao ka. Naiin-love ka pala Justine Lei. Akala ko forever ka ng mongha. Akala ko nga 'Leslie' ka eh. Hahahaha" pang aasar pa nya.

Fixing A Broken Heart [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon